Sunday, August 27, 2006

0 Yakap ni Tatay

Kahapon lamang ng gabi, ika 26 ng Agosto taong 2006, mga tatlumpung minuto makalipas ang ika-sampu ng gabi, pagkatapos kong makipagusap sa aking nag-iisang matalik na kaibigan na si Rainier,.. dumating ang tatay ko.

Dati-rati kapag gusto ng tatay ko na mag-usap kami, umiiwas ako. Maaga ako natutulog. Tapos kinabukasan makakalimutan na niya. Pero iba ang kahapon..

Sadya kong pinatagal ang pag-uusap namin ni Rainier dahil wala naman ako na iba pang gagawin at kung may gagawin man ako, wala ang konsentrasyon ko, kaya pinatagal ko ang aming pag-uusap hanggang sa dumating ang tatay ko.

Nag-usap kami kasama ng nanay ko. Hindi ko na muling ikukuwento ang mga nangyari dahil ayan sa ibaba ang kwento.

Pinag-usapan namin ano iyung sinasabi ko sa text na "ayoko na.." Sabi ko habang ako'y naiyak na, nawala na ang interes ko sa pag-aaral at naging iresponsable ako. Sinabi ko din na binigo ko sila dahil alam ko na mataas ang inaasahan nila sa akin pero hindi ko nagawa. Sinabi ko din na kaya ko naman, kaya lang hindi ko alam kung bakit unti-unting nawala ang interes ko sa pag-aaral, sabi ko, marahil dahil sa noon pa man puro aral na ang ginawa ko at wala na halos libangan. Nabuhay ako sa libro, notebook, ballpen at lapis.

Nasabi ko ang mga bagay na dati ay hindi ko nasasabi.

Ang una agad sinabi ng tatay ko.. Hindi niya naging hangad kailanman na palagi kong maabot ang naaabot ko dati, sinabi din niya na masaya na siya at nakapag-graduate ako sa high school at nakapasa sa lahat ng pinagkuhanan kong exam sa college at ngayon, nakapag-aral sa U.P.

Sa totoo lang daw ayaw niya na maranasan namin ang naranasan niya dati, ang pumasok sa iskwela na hindi kumakain, walang baon at walang tsinelas. Samakatuwid, ayaw niyang maranasan namin ang lahat ng hirap na dinanas niya sa pagiging dyanitor, pagtitinda sa palengke, paglalako ng tinapay, pagiging kundoktor sa bus at pagiging sekyu. Gusto niya na maibigay niya lahat sa amin para tanging iisipin na lang namin ay ang aming pag-aaral. Ayaw niya na matulad kami noong nag-aaral pa siya na madalas ay blangko ang kanyang isipan dahil sa pagod, puyat at gutom.

Sa mga sinabing iyon ng tatay ko, talagang napaluha ako.. hanggang sa mga oras na ito na sinusulat ko ito..

Madami pang naikwento ang tatay ko.. at sa mga kwentong iyon nakahugot ako ng bagong lakas,..

Lalo na nang niyakap ako ng tatay ko..

Mas naiyak ako noon..

Ni minsan sa buong buhay ko, hindi pa ako nayayakap ng tatay ko mula noong maliit pa ako. Ang nanay ko palagi ang niyayakap ko. Pero kaiba sa lahat ng tatay na kilala ko, siya lang ang kilala ko na pumapayag na halikan ko siya sa pisngi para magpaalam o kaya ay magsabi na matutulog na ako. Pero, iyun pang isang nangyari kagabi, kakaiba talaga ang pakiramdam ko..

Nakaramdam ako ng isang matinding koneksyon sa kanya na dati'y wala. Doon, isang bagong lakas ang umusbong sa akin. Sa isang yakap na iyon, nagbago na ang pananaw ko sa mundo..

Isang pangyayari na kailanman, hindi ko malilimutan.

Lalo na nang niyakap ako ng tatay ko..

Salamat Papa. Mahal na mahal kita.

Picture taken last January 1, 2010.

signature

Thursday, August 24, 2006

0 This is me, Dennio..

Makalipas ang tatlong buwan ng paghihirap, pagtitiis at pagpapalakas ng loob.. Sumapit na din ang araw na hinding hindi ko malilimutan. ika-24 ng Agosto taong 2006. Matapos ang ilang linggong pananahimik mula ng aking silver post, nagbabalik ako, upang ilahad ang mga pangyayaring nagdaan..

Sasabihin ko muna ang mga nangyari nitong nakaraang dalawang linggo..

Lunes noong ika-14 ng Agosto, dito nagsimula ang lahat. Nagmuni muni ako sa mga pangyayari nitong nakaraang mga araw.. singko sa math.. 2.75 sa SocSci 2.. 70% sa Biotechnology.. at ngayong darating na Biyernes.. PolSci naman..

Nitong nakaraang sabado at linggo, hindi pa ako gaanong nakapag-review para sa darating na PolSci exam. Walong kabanata ang kailangan kong basahin na may hindi bababa sa 100 pahina. Sa totoo lang mas naging attractive pa sa akin ngayon ang aming klase sa Journalism kaysa dito sa PolSci.

Una, nakakaantok magturo ang aming propesora na nagtapos ng Ph. D. degree sa Kobe University, 13 taon na siyang nagtuturo pero sa tingin ko hindi pa sapat iyon para siya ay maging isang magaling na guro. Pero ayon sa mga nakakusap ko, talagang ganyan daw sa simula, pero kapag tumagal magugustuhan din namin iyon. Hindi ako sigurado doon.

Ikalawa, kapag siya ay nagtuturo para kang nakikinig sa radyo na salita nang salita. Pagpasok pa lang niya attendance kaagad at kabisado ko na ang unang tatlong pangalan na tatawagin niya pagdating sa teacher's table.. (Pasintabi sa aking mga kaklase)

(Pumasok na si Ma'am)

Ma'am: Ruth.. Edward.. Betsy..

Doon naman sa Journalism class namin, buhay na buhay ang aming professor na dating nagtrabaho sa PTV 4 at ABS-CBN. Sa bawat tanong na ibato namin na may kinalaman sa currrent events, mga nangyayari sa 'likod ng balita,' mga media practices, ang background ng iba't ibang world events ngayon gaya ng giyera ng Israel sa Lebanon, pati na ang emerging na international news channel na Al-Jazeera (The Island or The Peninsula), at lahat ng bagay sa mundo ng journalism kahit pa history, nasasagot agad niya. At very honest din siya sa pag-aming talagang walang sinuman sa mga nasa media ngayon ang magsasabi na hindi sila 'bias' dahil daw natural lang naman daw sa ating mga tao ang maging 'bias.' So much for that..

So the delusion comes in, nagdadalawang isip na ako sa kung ano ba talaga ang gusto ko at iyan ang madalas na gumugulo sa isipan ko hanggang ngayon.

Balik tayo sa pagrereview ko..

Meron na lamang akong apat na araw para mag-review at kung titingan mo sapat na ang apat araw na iyon para mabasa ko ang lahat ng dapat kong reviewhin para sa exam. Pero hindi ko nagawa.. Hanggang sa Huwebes ng gabi, ala-una na ng madaling araw ako natulog. Natapos kong basahin. Pero hindi ko alam kung may natandaan ako.

Bakit ako hindi nakapagreview? Mamaya ko sasagutin iyan..

Tapos na ang unang unos. Pero may susunod na agad.

Next week na ang pasahan ng aming media journal sa fave class ko na Journalism. Excited ako na gawin ito at sobrang excited wala na naman akong nagawa. Holiday pa niyan noong Lunes, hindi ko pa nagawa.. siyempre ang mayabang na si Dennio, may plan B pa.. Matatapos ko ito within 2 days..

Dumating ang Martes, ika-22 ng Agosto, pag-uwi ko galing sa klase kung saan ay nakita ko.. (puputulin ko na doon) sinubukan kong gawin ang aking media journal.. pero hindi ko nagawa.

Dumating ang Miyerkules, ika 23 ng Agosto, talagang kailangan ko nang gawin ito. May make-up class kami kaninang 9-12 ng hapon with matching quiz pa at sa awa ng Panginoong Diyos, nakapasa ako at di lang pasa, mataas ang nakuha ko. Salamat kay Lord.

At saka ko biglang naalala na may exam kami bukas (ngayon ika-24 ng Agosto) sa Comm3. Ang tanga talaga nitong si Dennio. Hindi pa rin nanghihiram ng libro sa kanyang kaklase at ngayon wala na akong ibang choice kundi pumunta ng libe. Pero, pagdating ko doon ala-una pa daw sila ulit magpapahiram 12:10 pa lang noon at naalala ko ulit na wala na akong pera at hindi pa ako tinetext ng aking ama kung nakapag-deposit na siya sa cash card niya para mai-withdraw ko.

Noong mga oras na iyon, gutom na ako. Kaya naisip ko na mamayang hapon na lang ako babalik. At muling pumasok sa aking gunita ang Journalism media journal ko.

Kaya kumain ako at umuwi. At dito desidido na akong tapusin ito ngayon. Pero, hindi na naman ako agad nakapagsimula dahil nanuod pa ako ng Wowowee.

Labinglimang araw ng coverage tungkol sa Lebanon-Israel conflict ang kailangan namaing gawin. Daily kami gagawa ng journal na maglalaman ng lahat ng napuna namin sa ginagawang coverage ng media. Daily dapat. Ako pinipilit kong gawin sa isang araw. Sampung araw lang ang nagawa ko at hindi pa masyadong pulido. Hindi ko pa din naeencode. May 5-page consultaion report pa. Hindi ko pa nagagawa.

Dumating ang alas-singko nagtext ang aking ama na doon na lang kami magkita sa SC. Kasama kong pumunta doon si Kuya Josh na kaboardmate ko. Kumain na din kami doon ng aking itay at hindi ko ipinahalata o sinabi sa kanya na namemeligro na ako. Pagkatapos noon umuwi na ang tatay ko at bumalik na kami ng kuya Josh ko sa boarding house. Nakigamit ako ng computer sa kanya at nag-encode. Inabot ako ng alas-12 y medya ng hatinggabi. Sampu pa lang iyon. Wala pang consultation report. Suko na ako.

Dumating ang araw na ito.

Ito ang araw na pinaka-ayaw ko na dumating. Ang araw na bigla isasampal sa mukha mo ng iyong sarili.. na wala ka nang ganang mag-aral.

Sa mahigit 10 taon ko bilang isang estudyante, ni minsan, hindi pumasok sa isip ko ang tinatamad na ako mag-aral. Kaya sa loob ng 10 taon na iyon hindi nasayang ang mga panahon. Aral ako ng aral. Konting laro tapos aral ulit. Iyan ang buhay ko noon. Hindi nagsasawang mag-aral.

Hindi naman nasayang ang aking pagod. Naging 1st honor ako, hindi naman sa pagmamayabang, mula noong Grade 2 hanggang sa grumaduate ako ng elementary. May 2 pagkakataon na napunta ako sa 2nd at 3rd pero sa kabutihan nabawi agad.

Grade 3 at 4 ako nang masasabi kong ito ang tugatog ng aking tagumpay sa pag-aaral. First honor ako, napalanunan ko ang first place sa lahat ng category ng Quiz Bee namin at naging model student noong Grade 4. Ang sarap lasapin ng tagumpay. Wala pa sa isip ko noon na hindi palaging ganito.

Grade 5 nang magsimula ang unti-unting masasabi kong 'pagbaba' medyo naungusan ng ilang kaklase at bumaba ang average sa katapusan ng taon hanggang noong mag-Grade 6 ako. First Honor ako pero categorically, ang aking average noon ay para sa outstanding pupil lamang pero valedictorian na rin ang naging tingin nila sa akin dahil iyung mga medalya ko ay 'valedictorian' ang nakasulat. Pero para sa akin, hindi iyun sapat na katibayan na 'valedictorian' nga ako.

Oo nga pala, mga medalya.. Isa pa sa mga madami kong natamo noong nasa elemntary years ako, hindi sa pagmamayabang, hindi bababa sa 30 ang natamo kong medalya noong elem ako. Mga medalya na hanggang ngayon nagpapaalala ng mga 'golden years' ko bilang estudyante. Lahat ng mga guro sa amin ay umaasa na maipagpapatuloy ko ang magandang sininulan ko hanggang college.. Pero, binigo ko sila..

Hindi lamang sila, pati mga magulang ko, kapatid at halos lahat ng kamag-anak ko.. Hanga nga sila na UP ako mag-aaral, ako pa lang ata sa aming angkan ang unang mag-aaral dito, isipin niyo na lang ang pressure na galingan mo dahil umaasa sila..

Balik muna tayo ng konti..

Nitong naging 4th year high school na ako, may isang kakaibang pakiramdam ang bigla kong naramdaman. Isang pakiramdam na ngayon ko lang naramdaman sa buong buhay ko. Hindi ko ito maipaliwanag noon basta ang mga nangyari ay hindi maganda. Hindi gaya noong elem ako, mababa masyado ang mga grado ko.. at.. hindi ako naging 'valedictorian...'

Alam ko na sa loob-loob ng aking pamilya na nanghihinayang sila sa nangyari, kahit pa sabihin nila na ayos lang iyun, ganyan lang talaga iyan, ang mahalaga nakapagtapos ka, pero alam ko na higit pa doon ang inaasahan nila. Alam ko na alam din nila na hindi ako ganito dati. Pero, ano pa nga naman ang magagawa ko.. ang tanging permanente sa mundo ay ang pagbabago..

Kaya nitong bakasyon ng bago ako maging kolehiyo, napaisip ako.. Kakayanin ko ba ito.. Makakabawi pa ba ako.. mga tanong na ngayong Agosto 24 ko lang nasagot..

....

hinga muna ako..

...

game.

Kaya pala ganito ang naging pakiramdam ko mula nang 4th year ako ay dahil hanggang ngayon naghahangad pa rin ako na malagay sa itaas, sa puwesto na inokupahan ko mula nang ako ay nasa elem..

Kaya pala ako ganito dahil hanggang ngayon hindi ko mapatawad ang aking sarili na hindi ko naabot ang gusto ko..

Ginulo ko ang sarili kong buhay..

Ilan sa mga narealize ko sa 2 linggong unos na isa sa pinakamatinding dumaan sa buhay ko:

  • Kung wala ka namang balak manligaw sa isang babae at wala kang ginagawang kahit ano sa kanya,ni kausapin man lang ay wag mo nang isipin iyon
  • Higit sa pamilya mo at mga kaibigan, ang higit na makakatulong sa sarili mo ay ikaw din.
  • Kung gusto nating magbago, binigyan tayo ng Panginoon ng 'will' para mangyari ito.
  • Huwag kang basta susuko. Hindi rin magandang opsyon ang pagpapakamatay bukod sa duwag ka na dahil tinatakasan mo ang problema, nagkakasala ka pa sa Diyos.
  • Ang iyong konsensya ang tutulong upang palakasin ka.
  • May ilang bagay na hindi natin dapat minamadali. Kung kinakailangan na maging matagal ang proseso at mahirap pero maganda naman ang magiging resulta nito, ito na ang gawin mo.
  • Magpayo ka na lamang kung ikaw mismo ay kaya mong gawin ang ipinapayo mo sa iba.
  • Maniwala ka sa iyong sarili at sa iyong mga pangarap gaano man ito kaimposible.
  • At mula sa isang quote sa txt, kapag pakiramdam mo sobrang dami at bigat na ng dinadala mong problema, isipin mo na nakikita ka ni Lord na napakatatag at kaya mong lutasin ang lahat ng problema
  • Minsan kailangan mo ng lakas para sabihing mahina ka.
  • At kung may isang tao na makikinig at diringgin ang iyong pagtangis, nandyan palagi si Lord, ikaw lang ang hinihintay niya.

At sa lahat ng mga dramang nangyari nitong nakaraang linggo, isa lang ang napatunayan ko. Sa oras na hindi mo na kaya ang lahat, binibigyan tayo ng Panginoon ng tsansang huminto, kahit matagal, para makapag-isip.. para mapagmunihan.. at mapakalama ang ating naguguluhang mga puso at isip.

Isang txt ko lang..

Mama, ayoko na..

Bigla silang naguluhan at natakot. Hindi ko sinasadyang pag-alalahanin ko sila. Nang hapon ding iyon, tumawag ang aking tatay, sa tawag pa lang na iyon, bumuhos na ang aking mga luha.. at habang itintype ko ang parteng ito.. naiiyak pa rin ako kapag naaalala ko ito.. dito ko nakita na mahal na mahal ako ng mga magulang ko.. pati na ang kapatid ko.. hindi ako makapaniwala na magagawa niyang sabihin sa akin na kaya ko iyan kahit na alam ko na hirap din siya sa pag-aaral..

Sa huling bahagi nitong post ko..

Mama, Papa, Kattie, mahal na mahal ko kayo..

Hindi ko kayo bibiguin..

Kaya pa ito ni kuya..

salamat..

Minsan kailangan mo ng lakas para sabihing mahina ka.

Image Source: Shakeeluddin

signature

Tuesday, August 15, 2006

0 Formality At Its Best?

Masasabi ko na ito ang sequel sa aking 'Mamang Malaki' episode. Pero this is completely different from the 'Mamang Malaki' episode. This is all about the world of formality.

Sa aking class sa SocSci2 (Social, Economic and Political Thought of the Western Thinkers - course title pa lang pamatay na), ito na siguro ang pinakaformal na class na napasukan ko. Una, may 11 commandments ang aming propesora na itago natin sa alyas na Ms. SocSci2 dahil isa siya ang napapabalitang pinakamagaling na teacher ng SocSci2 sa UP. Ikalawa, every 2 weeks may iba't ibang seating arrangement at hindi ka magsasawa sa pagmumukha ng katabi mo.

At ang medyo tumatak sa amin ay kapag nagtatawagan sa klase kailangan na may 'Ms' o 'Mr' at kasunod nito ang iyong surname. Sa recitation, sa attendance, sa pagtse-check kung sino pa ang wala lahat kailangan na ganun.

Kaya sa lahat ng aking mga kaklase hindi ko alam ang kanilang first name o nickname man lang. So kapag nagkikita kami sa AS lobby o sa CAL, ganito ang eksena..

Ako: (Naglalakad sa may AS lobby.)

Siya: (Naglalakad din.)

At biglang makikilala ang isa't isa..

Ako: Mr. Pataksin? (Note: Hindi ko nga din nga pala alam kung ano ang spelling ng name nila.)

Siya: Mr Lim?

Ako: Ako nga.

Siya: Di ba classmate kita sa SocSci2?

Ako: Iyung kay Prof. SocSci2 (Note again: Itinatago ko siya sa alyas na iyan.)?

Siya: Oo. San ka ngayon?

At dun nagwawakas ang kanilang pagkikita..

Madami pa sila.. Ms. Espedido, Ms. Tan, Ms. Acero, Mr. Castillano, Mr. Lopez and the list goes on..

Kaya kung magkikita man kami kahit sa ibang class ex. MBB1 gaya ni Ms. Espedido, tawag niya sa akin ay Mr. Lim at Ms. Espedido din ang tawag ko sa kanya. Iyun namang mga classmates namin naki-Mr. Lim na din. Napasok na sa kokote namin na ang formality na pinakilala ni Ms. SocSci2.

Pero okay na din iyun, mas magandang pakinggan at para presidente na din ang turing nila sa akin.. hehe.. peace!

Oo nga pala, ako si Mr. Lim.

Image Source: By Common Consent

signature

Thursday, August 10, 2006

0 The Congress Visit

Wow..

Pupunta tayo ng Batasan..

Exciting..

Iyan ang mga bagay na iniisip ko noong unang binanggit sa amin ng aming mga block handlers na magkakaroon kami ng Congress Visit. Sabi nila they have been doing this annually. Then they told us that Cong. Francis Escudero was an alumni of their org which is APSM (Association of Political Science Majors.) Then I thought, finally.. I would get to meet one of my fave politicians and I think one of the best we have. So they've told us that we are going to visit him. Hindi na nila sinabi ang ibang details. Surprise daw.. and I was surprised.

Finally, yesterday.. the long wait is over. August 9, 2006. At exactly 3:53 P.M., I finally stepped into the North Wing of the Batasan Complex. Pero medyo disappointed ako. Kasi, as we all know, busy si Cong. Escudero sa impeachment and at that very moment nandun siya sa Plenary Hall, which we have also visited, at nakikipagdebate.

Instead, we met Cong. Christian Seneres of Buhay party list. And as his surname says, he is the son of the very controversial Ambassador Roy Seneres. Anyway according to his staff, to date he is the youngest congressman to be in position since he became one in 2001, beating the record of Ninoy Aquino.

Then we had a little talk about so many things. The goals of their party and what had they been doing lately. I was sitted right infront of him and I felt somewhat nervous, but the color of the room made me ease a little. It was maroon and green, the colors of UP, and so he said that all of his staff are UP grads and the one who decorated his office was from UP.

Anyway, it was also sad that last year he was one of those who signed for the impeachment but this year he didn't. His reason was its a total waste of time. He said that there are so many bills that needs to be passed. He is in favor of a unicameral system but not for federalism.

Anyway again as he talk, we were given free Lipton Green Tea. Hehe..

After that we went to the musuem at the basement of the Congress. The good congressman himself toured us around and told all about the history of Congress, how we came to have 2 chambers, the feud between Quezon and Osmena, the Batasang Pambansa, and the 1986 ConCom, the symbols used and the proper decorum when inside the Plenary Hall.

So after that, we went to the Plenary Hall. Wow, its the first time that I am going to this place and watch those congressmen 'doing their work.' Contrary to what we see on the television, it was not that big. I guess its just the angle of the camera that makes it big. And for those who study in UP, the UP Theater is quite bigger than the Plenary Hall. Some of us were not allowed to enter because slippers and shorts are not allowed. Luckily, I was the one of those who entered. And so we got to seat on the front row. Much close to the comittee hearings going on down there. Oh, i forgot to mention that we've seen congressman Noynoy Aquino and Imee Marcos. Imee Marcos looks 'suplada' at nung parang me isang grupo ng mga students na gustong magpapicture sa kanya medyo parang ayaw niya at biglang eskapo agad. Si Noynoy naman ay iniinterview ata sa radyo.

Sa loob naman nung Plenary Hall nakita ko sina Cong. Way Kurat Zamora, siyempre Si Cong. Escudero, Remulla, Datumanong at Lagman. Sila lang iyung nakita ko dun na kilala ko by name iyung iba sa mukaha ko lang kilala.

Anyway we stayed there for 20 minutes and just watched.

Image taken from: Demoskratos

signature

Monday, August 7, 2006

0 Get to Know..The Real Me

Medyo nag-iisip isip ako nitong mga nakaraang araw. Nagmumuni muni. Kung ito ba ang magpapalaya sa akin upang maka-move on. Iniisip ko. Ano ang iisipin at sasabihin nila kapag nalaman nilang ang tunay na ako sa likod ng mga prinsipyo na aking ipinaglalaban dati? Paano kung hindi maganda ang mangyari? Mawalan ako ng mga kaibigan. Bababa ang tingin nila sa akin.

Teka, ano ba ito?

Tulungan ninyo akong magdesisyon. Pinagiisipan kong sabihin at ilahad dito sa Blog ko ang tunay kong pagkatao. Lahat. Walang labis. Walang kulang. Komprehensibo. Detalyado. Walang matitira. Ito ang nararamdaman kong magpapalaya sa akin para magbagong buhay. Gusto kong itapon na ang lahat ng nakaraan. Lahat ng mga bagay na nangyari sa akin. At nang muli akong bumuo, hindi pala bumuo.. ibalik ang dati, ang tunay na ako.

Tulungan ninyo akong magdesisyon. Magpost lang kayo ng comments dito. Salamat.

Image taken from: MakeItGreat

signature

0 The World Bully - Unang Kabanata

  • Nakakalungkot isipin na kung ano pa ang tinitingalang bansa sa buong mundo, e siya pang pasimuno nang lahat ng gulo sa mundo.. unknowingly.
  • Iyan ang United States of America. Nakamit ang kalayaan mula sa Britanya noong 1776. Pero ngayon sila naman ang nananakop. Sila naman ang nanggugulo.
  • Saan nga ba nanggaling si Spiderman? Di ba natutuhan niya.. "with great power comes great responsibility." Di ba ang kanyang bayan ay Amerika? So di ba dapat practice what you preach?
  • Mula nang matapos ang Cold War, ang Amerika na ang naging pinakamalakas at pinakamakapangyarihang bansa sa buong mundo. Kaya niyang pasunurin ang United Nations dahil sa malaking bahagdan ng budget nito ay nagmumula sa US. Kaya siyempre, kahit pa sabihin nila na pantay-pantay ang mga bansa sa samahang ito, dominant force pa rin dito ang US. Kaya din niyang pagbintangan ang isang bansa na nagtatago ito ng Weapons of Mass Destruction at lusubin ito ng walang anumang opposisyon. May ilang aalma, pero wala din naman silang magagawa. Dahil kayang-kaya silang durugin ng US. Kayang-kaya din niya na maglagay ng kanyang mga polisiya at makialam sa soberaniya ng isang bansa. Paikutin ang ekonomiya ng mundo at makuha ang kanilang gusto.
  • Kung may aalma, kung may kokontra kaya nilang patahimikin. Papatawan nila sa pamamagitan ng UN ng mga economic sanctions ang mga bansang ito. Gaya ng North Korea. Sigurado ba tayo na talagang napakasama ng kanilang lider? Saan ba natin nakuha ang ganitong impormasyon. Sa US. Sigurado ba tayo na tama ito at totoo? Paano naman ang North Korea? Narinig na ba natin ang kanilang panig?

Simula pa lang ito. Gisingin ang natutulog nating diwa. Ako si Dennio. Galit sa GINAGAWA ng Amerika.

Image taken from: Nazmilia

signature

Tuesday, August 1, 2006

0 GARFIELD






These strips are copyright by Jim Davis. Used without permission. Lol. :)) Maybe removed upon the request of the author.

signature

 

Project Dennio Some Rights Reserved © 2012 - |- Template created by O Pregador - |- Powered by Blogger Templates - |- Content and Visual Modifications by Jose Dennio Lim