Tuesday, April 14, 2009

8 About Myself

Who am I now? Matapos ang mga madrama at malungkot na tagpo ng aking buhay nitong nagdaan na mga buwan, sino na ako ngayon?

I'm now a 19 year old 'somewhat' enligtened and 'more' optimistic teenage soul that is still making his way out of the mess that I created. Am I happy? Maybe. I was born on the 10th of March 1990 at the Chinese General Hospital in Manila. Despite my 'Chinese sounding surname', I can proudly say that I'm about 99.9% Filipino. Bakit? Eh hindi ko naman maitatanggi na may kaunting dugong Tsino na nananalaytay sa aking mga ugat. Iyun nga lang nasa 0.01% na lang siguro at ang aking mga mata ang naging biktima nito.

I came from a 'middle class' family. We can still eat our meals three times a day. We have some of the 'luxuries' in the world like a TV, refrigerator, electric fans, radios and cellphones. I am the eldest of two siblings in the family. My mother is a high school teacher at Caloocan High School while my father is a recruitment and liaison officer at a ship management company.

Kasalukuyan akong nagtatago sa isang liblib na pook na 'di kalayuan sa Kalakhang Maynila. Ang maliit na komunidad na ito ay madalas na lubog sa baha tuwing tag-ulan. (Kung nais mo makita ang aming komunidad, i-click ang LINK na ito.) Ang aming komunidad ay matatagpuan sa isang bayan sa probinsya ng Bulacan na hindi alam ng lahat na may ganoon pala.

Ito po ang Bayan ng Bulakan: bayang sinilangan nila Gregorio at Marcelo H. Del Pilar at ni dating Senador Francisco 'Soc' Rodrigo. Ang maliit na komunidad naman namin ang sinasabing lugar na kung saan ipinanganak si Padre Mariano Pilapil na kilala sa kanyang nilikhang popular na bersyon ng Pasyong Mahal.

I love reading. And of course, writing. But it is quite unusual that I had first developed my love for writing than reading. Bu then I realized that I need to love them both so that I could write well. I have been able to read a few books aside from the textbooks that had been required to be read at school. Some of my favorites are "Viajero" which was written by F. Sionil Jose and the oh-so popular books of Bob Ong.

But because of my unusual love for politics and history, I have been much inclined to read non-fictional books like "Looking Back" (by Ambeth Ocampo) which was a collection of his columns that talks about interesting tidbits in our history. I have also read "The History of the Filipino People" (Teodoro Agoncillo) which provides a unique Filipino perspective in retelling our history.

Gaya ng aking nabanggit na, mahilig ako sa usapang kasaysayan at pulitika kaya 'di na siguro kataka-taka na mahilig din ako magbigay ng samu't saring opinyon sa mga bagay-bagay na may kinalaman dito. Isama mo pa diyan ang showbiz, relihiyon at minsan, pati buhay pag-ibig.

Oo nga pala, mahilig din ako magbigay ng mga payo sa buhay sa mga ilang kaibigan; kahit pa ako mismo eh hindi ko kayang gawin ang mga ipinapayo ko.

Sa loob ng halos tatlong taong pagpupumilit na magpakilala sa mundo ng internet, ito na ang kaniyang ika-limang muling pagsilang. Nauna na rito ang apat na blogs na tuluyan na niyang ibinaon sa hukay upang hindi na multuhin pa ng nakaraan. Nabanggit din kasi sa akin ng isang bumibisita na masyado daw 'madilim' at 'negatibo' ang dating ng aking mga blog.

Tama siya doon. Dahil naging repleksyon ito ng kalagayan ng aking sarili at ng aking buhay noong mga panahong iyon.

Maybe some of you would still remember the title of my former blog. The first word in that title aptly describes what I feel about life then: frustrated. But it has all changed when an 'angel' came down from heaven and told me that I should be more positive about LIFE. The angel scolded me like no one had ever scolded me before. Thus, the former blog had been finally laid to its resting place and now, PROJECT DENNIO is born.

My former blog had one good aim: to be able to write my own book before I turned 20. But because of the 'series of unfortunate events' that happened, everything was put to a halt - till now. I have already continued the journey that went flat six months ago. Last March, a few days after my birthday, I had resumed in achieving my dream.

As I continue trekking this perilous road called 'life', allow me to spill out my thoughts on everything about me and life.

For those who had missed out some of the most 'exciting' articles that I had written that elicited some violent reactions from my visitors, I would be continuing what I had started. Especially to the red people out there.. :)

(Haayy.. dumudugo na ang aking ilong. Tama na ang English, hahaha.. :D)

Nawa, sa pamamagitan ng bagong silang na blog na ito, magsimula at matapos nawa ng musmos na batang ito ang kanyang paglalakbay tungo sa kanyang mga pangarap at layunin ng nasa itaas para sa kanya.

AMEN.

Kung nais niyo akong maka-ugnayan, magemail lamang sa projectdennio@gmail.com.

signature

Bookmark and Share

SocialTwist Tell-a-Friend


8 comments:

  1. Introspection is always a good idea, especially when you end up reinventing yourself for the better. Good luck sa hinaharap at patnubayan ka ng Panginoon. :)

    ReplyDelete
  2. I like your site it is refreshing.

    You passion is sure to grow. :)

    ReplyDelete
  3. good luck dennio sa mga plano mo! :) alam kong kakayanin mo yan,,,

    ReplyDelete
  4. God bless you more so you can also be a blessing to everyone! :)

    ReplyDelete
  5. napagtripan basahin ang umpisa.

    belated h appy birthday project denio!

    ReplyDelete
  6. you have a nice content about education.
    link exchange with me. ok.

    ReplyDelete
  7. nice blog!!
    you might consider a link exchange with me .
    check out my blog- http://isamrat.blogspot.com/

    ReplyDelete

Leave you comments, reactions and suggestions below.

 

Project Dennio Some Rights Reserved © 2012 - |- Template created by O Pregador - |- Powered by Blogger Templates - |- Content and Visual Modifications by Jose Dennio Lim