Isang Tula

Matagal nang tigang ang blog na ito sa aking nagdurugong mga salita. Kaya ngayon, nais ko na ibahagi ang isang tula ng pamamaalam na aking sinulat sa una't huli naming pagkikita. Kung sino man siya o kung kilala mo man siya, hayaan na natin ang lahat. Tapos na ito. Hindi matatapos ang buhay sa kanyang pagkawala.

May isang mapulang bukas pa ang naghihintay sa ating lahat - sa pagsibol ng tagumpay ng ating mga laban.

Ipagpatawad ang kahibangan sa mga linya. Patawad din kung may nilabag na mga 'batas' ng literatura. Ipagpatawad ang pagbubura sa kanyang pangalan. Dala lamang ito ng bugso ng damdamin na kumwala sa mga oras na iyon at ngayo'y unti-unting iwawaglit at ihinuhupa para matahimik ang lahat. :)

Ang tulang ito'y walang pamagat dahil sa hindi ko kayang ikahon sa iilang salita ang nilalaman ng aking damdamin.

Sa iyo rosas ng aking paningin
Pagtangi ko nawa'y dinggin.
Ikaw na anghel na biyaya ng langit
Isang musa na marapat mahalin

Nagdaang puno ng hinanakit
Pilit nilimot, pilit iwinaglit
Upang ang pag-ibig na para sa'yo tangi
Aking maipaabot, aking maiparating

Ngunit muli lahat ay walang pinagbago
Pagkahumaling nauwi sa pagkabigo
Pilit man kitang ipaglaban at 'wag isuko
Sinasabi ng panahon: tama na, isalba ko ang aking mundo

Sa kabila ng lahat pasasalamat ay walang hanggan
Muli mo akong minula't binuksan ang kalooban
Na sa kabila ng sugatang nagdaan
Kaya ko pa rin palang magmahal

Salamat sa'yo ****
At alam ko sa matagal na panahon
Hanggang sa muli kong pagbangon
Dito sa aking puso
Ikaw pa rin ang aking mamahalin

7:49 A.M.
CEU Malolos Library

signature

2 comments:

  1. Sa lahat ng nangyari, nagawa mo pa mag pasalamat sa last stanza. Ang bait mo!

    ReplyDelete
  2. siyempre. :) kahit paano may nahugot ako na magandang pangyayari sa masaklap na kinahinatnan. :)

    ReplyDelete

Leave you comments, reactions and suggestions below.