As of the 28th of September 2008, these are my biases and slant to the different issues and the principles which I am holding on to. Walang kokontra, ok?
*Mahal ko ang bansang Pilipinas. Kahit pa sabihin ng kung sino diyan na tayo ay may 'damaged culture' at tila kawalan ng isang 'national identity', hindi ito dahilan para hindi ko mahalin ang Pilipinas. Kahit pa mahigit sa 4,000 Pilipino ang umaalis ng Pilipinas para maging OFW o permanente nang manirahan sa Amerika, Canada, UK, Australia, etc at kahit pa hawak ng sampung pamilya sa Pilipinas ang higit sa 50% ng ating yaman at kahit pa lumubog na ang bahay namin sa baha, dito pa rin ako, masaya namang lumusong sa baha at maglaro ng bangkang papel noh.
*Ako ay para sa TUNAY na SIMBAHAN na itinatag ni Kristo may 2000 taon na ang nakakaraan: ang SIMBAHANG KATOLIKA. Handa ko na ipagtanggol ang aming pananampalataya lalo't higit sa mga sekta ng relihiyon diyan na naglalako ng 'instant salvation' at mga baluktot na pagbibigay kahulugan sa Bibliya para lamang maging tama sa kanilang panlasa.
*Ako ay para sa MALAYA at RESPONSABLENG PAMAMAHAYAG lalo't higit sa pagbatikos sa sinumang indibidwal o grupo. Lahat ng mga mababasa ninyo sa blog na ito ay pipilitin ko na hanapan ng konkreto at totoong impormasyon. Anumang pagpuna o pagbabatikos sa aking mga nailahad ay malaya kong tinatanggap. Naniniwala din kasi ako na ang pikon ay laging talo at kung sino man ang matamaan, pasensya na lang. I got my own views, you got yours.
Iyan lang muna sa ngayon.