"Honestly, do I look Korean?"
hehe.. Nangarap na naman daw. Madami magrereact: "ang kapal ng mukha.."
Iyan ang naging tanong ko sa aking sarili mula noong isang magandang araw ng Hunyo habang naglalakad kami ni kaypee sa harap ng AS o Palma Hall, may nakasalubong kaming isang grupo ng mga Korean na mukhang naliligaw o kung ano man. Basta to make the story short, padaan na kami sa harap nila ng biglang lumapit ang isang lalake sabay tanong...
"Are you Korean?"
At sa isang mabilis na pagmumuni-muni, naisip ko din na pagtripan ang mga nasabing Koreano pero siyempre *uhurm* isa akong Pilipinong mahal ang Pilipinas at inaalagaan ang pangalan nito.. Hindi ko ginawa sa halip ang sabi ko sa isa napakagandang English.. "No, I'm not." hehe..
Sabi ko 'di ba to make the long story short, pero humaba pa din.
Anyway, madaming turista ang ganyan. Naliligaw. Kaya naman ang ating mga magigiting, mauutak at tusong mga kababayan ay biglang maiisip na manggantso. Kunyari alam niya itong lugar na ito at dadalhin siya doon pero ang hindi alam ng pobren turista na siya pala ay dadalhin sa kung saan at saka hoholdapin or worse kidnapin.
Kaya tuloy, kahit sabihin pa natin na ilan lang naman ang mga insidenteng ganyan, kahit papaano malaki pa rin silang kabawasan sa atin at sigurado na paguwi nila sa kanilang mga bansa ay ikukwento nila ang karanasang ito sa ibang tao at iisipin na nilang nakakatakot pala pumunta sa Pilipinas.
Wow..
Napunta na ako sa turismo, dahil lang sa tanong na..
"Are you Korean?"
Image Added: May 15, 2010
No comments:
Post a Comment
Leave your comments, reactions and suggestions below.