I am supposed to sleep early today. I had nothing to do except to wait for emails that would be coming in from the clients that I had been wooing to get my services. I got one telling me that they are going to review my proposal and wait for a week for their response. I just hope that would be a positive news a week from now.
Balik sa topic. I was reading some posts from blogs that I had placed on my Google Reader when I stumbled upon this blog post here. I have nothing personal against her but I had a sudden emotional outrage upon reading her post. Again, I have nothing personal against her. I am only reacting here based on her post. What was it all about? It's about our 'dear President.'
Let me elaborate my short reply to her post. I do hope na babasahin mo, hanggang sa katapusan dahil naiyak ako habang ginagawa ang post na ito - na maaaring huli na naman dahil sa pagkakataon..
---
I'm a PRO-GLORIA too but that was ten years ago. I had been defending her from 'attacks' made by other people especially my relatives. They keep on telling me that nothing will change. But I insist on my belief then that she would be different and would make a difference.
But just a few months after, she disappointed me and that was the end of my disillusionment.
I'd like to highlight what she said in her last SONA:
"However much a President wishes it, a national problem cannot be knocked out with a single punch…"
She could be referring to Pacquiao (since he was around the Congress at that time) but of course it was about solving our perennial problems.
Believe it or not but yes I believe that she cannot solve all of our problems. She cannot do it all with a snap of a finger. She give us all the solutions in all of our problems. After all, she's not a that lady who would swallow a piece of rock and turn into a superhero. She's just a human being.
Enough of that, let's go straight to the facts.
---
Since 1986, she had been the ONLY PRESIDENT in this forsaken land that was given the chance to be in office for almost a decade - the second longest term ever served by a Philippine president. A decade of chance to do something for this country.
Before anything us, let us set aside what her critics are saying which I also believe are no different to her (like Erap) and stick to reality.
---
Look around you.
Maybe, you haven't been to a squatters area. You may say that they are too lazy to work and they just wait for manna to come down from heaven. But try to talk to them. Know why are they still in that condition. And you'll be surprised to find out that they had been working hard all their life so that they would be uplifted from poverty - not waiting for dole outs from the government.
There may be few of them who are really 'palamunin' or are indulged in deadly and unproductive vices like drinking beer almost everyday, smoking, drugs, gambling and sabong. But majority of these people are striving hard everyday to the point of doing something unlawful just to make both ends meet.
In short, para may makain man lang sila kahit isang beses sa isang araw.
Oh yes she is very hardworking. She does not spend too much time talking. She let her spokespersons do the talking for her. But the problem is we don't know for whom she is working for. Is she really doing her work for us? Or for the 'chosen' few? How are we going to know the answers to these queries?
I know the answer. I'll give them to you based on my personal story.
Still, even if I won't tell you my story, you just need to look around.
Classrooms.
Salary of Public School Teachers, Gov't Workers and Private Employees.
Land Reform.
What happened to these things? Think about it.
---
Pasensya na. Medyo nasaktan lang ako sa mga sinabi mo na isa siyang magaling na Pangulo. At hindi talaga ako sumasang-ayon sa mga sinabi mo dahil sa ilalim ng pangulo na ito naranasan ng aming pamilya ang matinding hirap.
Maswerte pa din kaming maituturing kasi nakakakain pa kami ng tatlong beses sa isang araw. May cellphone. May pampaload. May TV. May internet. Nakakapag-aral. Pero sa lahat ng ito, hindi biro ang pinagdaanan namin para magkaron nito.
Sa ilalim ni Gloria, halos tatlong taon nawalan ng trabaho ang tatay ko. Hindi siya makahanap ng trabaho. Isipin mo na lang ang pakiramdam ng isang ama na tingin niya'y wala na na siyang silbi dahil di siya makahanap ng maayos na trabaho.
Pero hanga ako sa kanya dahil iginapang niya ang pag-aaral namin. Namasada siya ng FX. Nagsumikap makabenta ng insurance sa panahon na marami ang di na nagtitiwala dito. At sa awa ng Diyos, nakaraos kami sa yugtong iyon.
Pero ngayon, di pa natatapos ang termino ni Gloria mawawalan na naman siya ng trabaho - wala pa din kasiguraduhan at malamang kung matatanggal siya hindi na siya makakakita pa.
---
Guro sa pampublikong paaralan sa hayskul ang nanay ko. Kita ko ang hirap niya sa pagtuturo. Isipin mo, sa isang silid-aralan, 60 ang estudyante. Ang tinuturuan ng nanay ko sa isang araw ay apat na seksyon katumbas ng 240 estudyante - halos kasingdami na ng buong batch namin ng 4th year nung hayskul.
Sa ilalim ni Gloria, inabot pa ng anim na taon bago sila magkaron ng dagdag sa sahod - na wala ring silbi dahil sa kataku-takot na mga deductions nila. Bakit? Baon sa utang ang mga guro. Utang sa mga loans na kinailangan nilang kunin para lang may panggastos sa kanilang pamilya.
Miyembro ang nanay ko ng GSIS. Naging saksi ako sa ilang beses naming pagpunta doon sa tila kawalang pakialam ng ahensiyang ito sa mga manggagawa ng pamahalaan.
Isipin mo na lang, may isang guro doon na dinala na nakastretcher. Bakit? Dahil kailangan daw ng lintek na GSIS ang 'personal appearance' upang maaprubahan ang retirement benefit na kakarampot.
At kami ng nanay ko? Inabot ng higit sa tatlong oras sa pila para lang sabihan na anatayin na lang daw ang tawag o sulat para sa pagkuha ng educational benefit sa GSIS. At inabot pa ng ilang buwan bago namin nakuha.
Tatlumpung taon nang nagtuturo ang nanay ko. Dalaga pa siya noong nagsimula siya. Hanggang ngayon, wala pa ring nagbago.
---
Ngayon. Tamad ba ang tatay ko? Tamad ba ang nanay ko? Hindi. Nagsumikap sila para sa amin. Pero kulang pa din.
Si Gloria ba ang may kasalanan? Malamang.
Madaming Pangulo na ang nagdaan. Oo at lahat sila ay may kasalanan. Ngunit sa pagkakataong ito, isang dekada ang ibinigay kay Gloria - kung naibigay nga talaga o inangkin lang niya. Pero di niya nilubos ang panahon na ito para magkaron ng 'makabuluhang pagbabago' sa bayang ito.
Gaya ng pag-alis ng diskriminasyon sa mga kumukuha ng trabaho.
Gaya ng pagtigil sa biglang pagtatanggal ng mga empleyado.
Gaya ng karapatan ng mga guro, empleyado sa gobyerno at pribado na makakuha ng mas mataas na sahod - na disente at kayang bumuhay ng pamilya.
Kung iyun sana nagawa niya, malamang PRO-GLORIA pa din ako. Pero hindi. At hindi ako magpapakatanga para sabihin na siya ang pinakamagaling na Pangulo o kung sino pang galing sa Tondo o nakakaramdam ng mga bagay-bagay.
Dahil hangga't puro lang sila salita at walang gawa, fahil kung puro trabaho nga pero wala namang nangyayari, wala silang karapatang mag-angkin o bigyang titulo ninuman na siya ang pinakamagaling na Pangulo.
Dahil kung magaling nga talaga siya, kusa itong igagawad sa kanya ng LAHAT - hindi ng kung sinong Hudas na kakampi niya.
Ang nakakalungkot: isa siyang ina. Alam niya dapat ang gagawin niya para sa kanyang mga anak.
Ngayon, saka mo sabihin na si Gloria ay isang magaling na pangulo.
Pasensya na, sariling opinyon lamang po. Dahil sa tinamaan mo ang aming kalalagayan ngayon. Hindi mo man ito sadya ngunit nais ko lamang malaman mo ang panig ng mga taong ayaw na sa kanya. Mga taong hindi bulag, tanga at manhid para ipagsigawan na siya ay magaling na Pangulo.
At oo nga pala, nainis din ako sa pagpapamili mo dito: "She may be a thief. All presidents were and will be thieves in people's eyes, true or not. But would you rather have a corrupt yet effective president or a corrupt yet stupid president? "
Tang ina. Patawad sa pagmumura.
Habang naluluha..
---
Phtoto credits: 1, 2, 3, 4, 5 and others have been credited in my previous post here.
I don't get it...
ReplyDeleteWhy they kept on blaming her for all the things that happened to this country...
It's called Philippines becauseof the Filipino people not because of who the President is.
What happened to us today is only the result of what we did yesterday... Gloria.. Gloria... Gloria... Why put the blame in her..?
Those who complain 'bout the governance of this country, try to ask yourself, what have you done tomake this country a better place..? By blaming the President for what you've become today..? Come on..
dennio, hindi lang sya ang nagiisang pulitiko sa pilipinas, marami ring katiwalian yung mga congressman or mayor o governor. kahit merong budget para sa mga nasabi mo na, nangungurakot pa rin yung ibang pulitiko kaya wala rin nangyayari,parang inutusan mo, pero hindi sumunod ganun. just my opinion
ReplyDeletehttp://ldsfilipina.blogspot.com
http://bestpinayblogever.blogspot.com