Random Thoughts



"Sa ngayon may mga anak pa rin na kailangang lisanin ang kanilang mga magulang upang lumaban para itayo ang isang lipunang tunay na malaya at masagana. Kaya't nasa mapagpasya nilang pagkilos kung kailan ipagtatagumpay ang pambansa-demokratikong pakikibaka ng mga mamamayan upang dumating ang panahon na waka nang mga anak na kailangan pang lumisan."

- May 2012

signature

Dalawang Taon


Nakakatawang isipin na eksaktong 23 buwan matapos ang huling post ko sa blog na ito ay may malaking pagbabago na naganap sa buhay ko. Malamang sa mga panahon din na iyon, hindi ko akalain na kaya ko siyang gawin. Pero mukhang isang "premonition" ang nais ipahiwatig ng larawang ipinaskil ko sa post na iyun. Nasa harap ako ng mga estudyante. May hawak na mikropono at tumatalakay ng pambansang kalagayan ng kalikasan. Unang beses ngunit nasundan pa ng marami pang iba hanggang sa aktwal na paglubog sa isyu na ito at pakikiisa para sa pakikibaka rito.

Dalawang taon na ang nakalipas. Marami nang nagbago. Mga pagbabagong hindi ko akalain na mangyayari. Pero ang lipunan, hindi pa rin nagbabago. Ngunit ang blog na ito ay magiging saksi sa mga pagbabagong magaganap sa mga susunod na araw.



signature