Ang BOTO ko ay para sa KABATAAN PARTYLIST, Satur OCAMPO at Liza MAZA

Unang beses ko bumoto ngayong 2010. Six years ago, hindi ko malilimutan na todo-suporta ang ibinigay ko para sa nakaupong pangulo ngayon. Mabuti na lamang at hindi pa ako bumoboto dahil isa itong malaking pagkakamali. salamat na rin sa kanya, namulat ako sa kabulukan ng ating sistemang pulitikal pero kasabay nito ang pagkawala ng pag-asa na mababago ang lahat.

2006, noong nasa UP pa ako, sumama ako sa pagkilos noon laban sa TOFI, ang tanging partisipasyon ko sa isang rally. Hindi ko iyon pinagsisisihan. Dahil noong mga panahong iyon, sa kabila ng pagkabigo na mapigilan ang pagkakapasa noon ng 300% increase sa tuition ng UP, muling nabuhay ang aking pag-asa na mababago ang lahat.

152_kabataan_2

2007, nakilala ko ang KABATAAN PARTYLIST. Mula noon, buo na ang aking pagsuporta sa mga adhikain at ipinaglalaban ng KABATAAN PARTYLIST. Hindi pa nila ako miyembro noon lalo't higit na hindi pa rin ako maaring bumoto noon. (At wala rin ako ni isa na kakilala noon mula sa KPL). Pero dahil sa pagnanais ko na makatulong ng kahit konti sa kanila, kinampanya ko ang KABATAAN PARTYLIST sa aming lugar. Hindi rin naman ako nabigo dahil marami din kahit papaano ang bumoto sa kanila dito.

Pero bakit ba nila ako noon napa-bilib at nagawa ko sila na suportahan sa pamamagitan ng pagpophotocopy at pamimigay ng printed na poster nila at pamphlets?

1. Consistent sa kanilang mga paninindigan. Noong una ko silang nakilala, sila ay tutol na sa patuloy na pagtataas ng matrikula. Noon din na nagbabadya ang pagtataas ng tuition ang UP, bukod tangi na KABATAAN PARTYLIST lang noon ang naaalala ko na grupo ng kabataan at isa sa mga unang kinundena ang pagtataas ng tuition sa UP. Kamakailan lang, naging matagumpay ang kanilang kampanya kaisa ng mga estudyante ng PUP upang pigilan ang 2000% tuition increase. Patunay rito ang isinampang House Bill No. 2440 kasama ang mga kinatawan ng Bayan Muna na naglalayong magtakda ng tatlong taong moratorium sa pagtataas ng tuition sa lahat ng antas at uri ng paaralan.

2. Backed by no one but the youth. Hindi gaya ng ibang partylists, ang KABATAAN PARTYLIST ay walang backer na mayamang pulitiko. Ang pondo nito ay galing mismo sa kasapian. Ang mga kasama dito ay hindi sumasama dahil may libreng pakain o may 'benefits' sila na makukuha. Ang mga kasama dito ay ang mga tunay na nagmamahal sa bayan at naghahangad ng makabuluhang pagbabago. Kaya nga ang pondo ng KABATAAN PARTYLIST ay talagang kakarampot kumpara sa ginagastos ng ilang partylist diyan. Umaasa lang ito sa suporta ng kabataan at sa sipag at dedikasyon na kanilang ibinibigay upang mangampanya sa bawat sulok ng Pilipinas. Ang utang na loob ng KABATAAN PARTYLIST ay tanging sa KABATAAN - wala sa mga mayayamang negosyante o mga pulitiko.

3. Progressive, militant, nationalistic and pro-people in words and actions. Marami diyan ang nagsasabi na makabayan sila at isusulong ang kapakanan ng mga Pilipino pero oras na mahalal, nagkakalimutan na. Ang KABATAAN PARTYLIST, mula umpisa malinaw kung ano ang kanilang paninindigan at kung sino ang kanilang pinapanigan - siyempre ang kapakanan at karapatan ng lahat ng kabataan! Marami din diyan ang nagsasabi na sila ay kontra-ganito, kontra-ganyan pero sa mga malawak na pagkilos ay nowhere to be found. Ang KABATAAN PARTYLIST lang ang bukod tangi na malinaw ang kanilang ipinaglalaban. Sa bawat isyung nakakaapekto sa kabataan, laging nakikisangkot ang KABATAAN PARTYLIST upang ipagtanggol, isulong at ipaglaban ang sambayanan.

At gaya ng KABATAAN PARTYLIST, mayroon na din tayong maaasahan na mga tunay na makabayan na handang dalhin ang ating mga ipinaglalaban sa SENADO: sina Liza MAZA at Satur OCAMPO.

satur_ocampo_at_liza_maza

Kabi-kabila ang mga paninira sa kanila ng kanilang mga katunggali. Ngunit hindi nito masisira ang ilang dekada nilang paglalaaan ng kanilang buhay para sa paglilingkod sa sambayanan. Mula noong panahon ng kanilang pakikibaka laban sa Martial Law hanggang sa kanilang termino bilang mga kinatawan ng Bayan Muna at Gabriela, sila'y laging para sa masa at sa pagsusulong ng ating mga karapatan. Habang sila'y nasa tungkulin laging kapakanan ng bayan ang kanilang ipinaglalaban at hindi ang pagpapayaman ng kanilang mga sarili.

Sa kabila ng kanilang dinanas na pandarahas at panunupil sa ilalim ng administrasyong ito at sa patuloy na panggigipit na ibigay ang kanilang Countrywide Development Fund o Pork Barrel mula noong 2005, hindi ito naging hadlang upang gawin nila ang kanilang tungkulin bilang mga mambababatas.

Ilan sa mga batas na kanilang naipasa ay ang:

Anti-torture Act (RA 9745)
Rent Control Act of 2009 (RA 9635)
Tax Relief for Minimum Wage Earners Act of 2008 (RA 9504)
Public Attorney's Office Act of 2006 (RA 9406)
Abolition of Death Penalty (RA 9346)
Overseas Absentee Voting Act of 2003 (RA 9189)
Philippine Nursing Act of 2002 (RA 9173)
Anti-Trafficking in Persons Act of 2003 (RA 9208)
Anti-Violence in Women and Children Act (RA 9262)
Magna Carta for Women (RA 9710)

Simple lang naman kung bakit ang KABATAAN PARTYLIST at sina Satur at Liza ang gusto kong iboto: alam nila ang mga problema ko bilang kabataan at handa nilang ipaglaban tayo upang bigyang solusyon ang ating mga problema. Hindi sila nangangako ng dagliang solusyon sa mga problema ng kabataan at lipunan, ngunit kung magkakaisa tayo sa sama-samang pagkilos, kasama nila, tiyak ang pagkamit natin sa tagumpay.

Isang boto lang ang maari nating ibigay para partylist. Labindalawa para sa senador. Ibibigay mo ba ito sa mga 'hindi pa subok sa laban at wala pang napatunayan?' Ako? Hindi. Dahil ang isang boto ko para sa partylist ay ibibigay ko sa KABATAAN PARTYLISTT. Hindi ko rin sasayangin ang dalawang boto na maibibigay ko sa pagka-senador. Ibibigay ko ito kina Satur OCAMPO at Liza MAZA.

Para sa tuloy-tuloy na magandang simula. I-shade ang oval sa tabi ng #152 sa kanan ng ating mga balota para sa KABATAAN PARTYLIST!

152_KABATAAN_PARTYLIST

At sa mga SENADOR ng BAYAN, i-shade ang oval sa tabi ng #33 para kay LIZA MAZA at i-shade din ang oval sa tabi ng #37 para kay SATUR OCAMPO.

Liza at Satur

PILIPINO para sa PAGBABAGO. PAGBABAGO para sa PILIPINO. Iboto ang ating mga kandidatong MAKABAYAN!

Get to know my candidates more:

KABATAAN PARTYLIST - http://www.kabataanpartylist.com/

LIZA MAZA - http://lizamaza.com/

SATUR OCAMPO - http://satur4senator.com/

NPA front daw ang MAKABAYAN Coaliton (Bayan Muna, Gabriela, ACT Teachers, Anakpawis, Kabataan, Katribu), Satur Ocampo and Liza Maza? Read our response here: http://bit.ly/cGGuji

KPL_SO_LM

signature

1 comment:

  1. Honestly, dito sa probinsiya hindi naman well-represented ang youth ng Kabataan party-list, parang concentrated sa UP at PUP yung mga binanggit mo na reasons.
    Sa kaso namin, mas active sa pagtulong sa youth dito sa probinsya ang Akbayan. Nakilala ko lang ang Kabataan because of Manny Villar. 'Yun lang, no offense meant. :D

    ReplyDelete

Leave your comments, reactions and suggestions below.