Sa taong gustong gusto siya, mahalin mo siya.
Huwag na huwag mong sasaktan ang kanyang damdamin. Huag mo siyang paiiyakin. Dahil oras na ibigin ka niya, wagas na pag-ibig ang ibibigay sa iyo nang walang kapalit o kondisyon. Higit pa sa pagmamahal niya sa kanyang sarili. Halos kapantay ng pagmamahal niya sa Diyos at bayan.
Mahalin mo siya ng tapat at too. Huwag mo akong tularan at ang iba pa na iibig lamag dahil ito ang idinidikta ng lipunan at mundo. Panindigan mo siya. Salagin mula sa mapang-matang mundo. Gawin mo ang lahat para maging tunay siyang maligaya na kahit kailan 'di ko kayang ibigay sa kanya.
Mahalin mo siya gaya ng pagmamahal mo sa iyong sarili. Mahalin mo ang buo niyang pagkatao dahil bawat hibla nito ay walang bahid ng pagkukunwari. Kung ano ang iyong nakikita, kung ano ang kanyang ipinapakita, ganoon siya.
Mahalin mo siya at punan ang 'di ko naibigay na pagmamahal sa kanya.
Mahalin mo siya at ibigay ang lahat para ipaglaban ang inyong pag-iibigan. Dahil natitiyak ko, hindi ka magsisisi na siya'y nakilala mo.
Huwag kang tutulad sa akin na isang duwag, huwad at mahina na 'di kayang ibigay ang lahat kahit sa aking sarili, alam ko na tunay ko siyang minahal.
Salamat sa kanya, nalaman ko kung ano at papaano ang tunay na pagmamahal.
At sa kanya at sa iba na nagsabi na 'di ko siya minahal talaga, maaaring tama kayo. Pero hindi ko maitatanggi ang aking pag-iyak gabi-gabi sa kaduwagan at kahinaan na 'di ko maiparamdam sa kanya na minahal ko siyang tunay.
Salamat Lord, sa isang magandang pangyayaring naganap sa buhay ko. Hindi siya para sa akin. Hindi siya laan para sa akin. Pero salamat, dahil iminulat mo ako kung paano ba ang magmahal ng tunay.
Sa gabing ito, natapos na ang lahat.
Sana tapos na din ang pagpatak ng aking luha dahil malaya't pinalaya ko na siya. sana'y matagpuan na niya ang kanyang kaligayahan, ang taong magmamahal sa kanya ng tunay.
May 14, 2010 | 03:04 A.M.
Image taken from the Internet
No comments:
Post a Comment
Leave your comments, reactions and suggestions below.