Narito ang ilang mga salawikain na nakakuha ng aking atensyon.
- Ang mapuputing buhok ay tanda ng kabatiran at ito’y lalong pinagaganda ng ating paggalang.
- Ang lahat ng pinag-daana’y tandaan at ang gayo’y gintong aral.
- Sa lahat ng nakikita, may aral na nakukuha.
- Papuri sa harap, sa likod paglibak.
- Walang umaani ng tuwa na di sa hirap nagmula.
- Umaakyat ma’t mahuhulog, mabuti pa ang namumulot.
- Ang pag-ibig sa kaaway, siyang katapangang tunay.
- Ang bayaning nasusugatan, nag-iibayo ang tapang.
- Mabuti pa ang nag-iisa, kaysa may masamang kasama.
- Ang taong nauntog na madalas, natututong yumuko’t mag-ingat.
- Nang madapo na ang langaw sa sungay ng kalabaw, sa sarili, ang palagay: mataas pa sa kalabaw.
- Sa bayan ng mga bulag, makapaghahari ang pisak.
- Hindi matuturang santo, kapag hindi nagmilagro.
- Ang mabuting aklat, kaibigan lagging tapat.
- Kung tubuan ka ng pakpak, saka ka naman lumipad.
- Bago maging panginoon ka ng iba, piliting ang sarili ang maging panginoon muna.
- Iba ang may natutuhan, kaysa may pinag-aralan.
- Pag ikaw ay nagparaan, pararaanin ka naman.
- Pag ang tao’y nasusuko, tinatandaan ang pagtungo.
- Kung walang katahimikan, walang pagsulong ang bayan.
- Buti pa ang hayup sa kagubatan, kaysa mamamayang walang kalayaan.
- Kababaan muna bago ang kataasan.
- Mabuti ang maliit na dampa, kaysa magarang gusali na nakasangla.
- Walang bayaning matapang sa sinasamang kapalaran.
- Ang pitasin mo ay hinog, huwag masiyahan sa bubot.
- Kung ano ang kamulatan, siyang pagkakatandaan.
- Ang malabis na pag-asa, dalamhati ang ibubunga.
- Nangangako ng mahigpit samantalang nasa kagipitan; Nang lumuwag na ang lagay, ang pangako’y nalimutan.
- Walang kapangitang di may kabutihan.
- Ang sigaw ay malapit, ang bulong ay malayo ang sapit.
No comments:
Post a Comment
Leave your comments, reactions and suggestions below.