SONA ng BAYAN 2010

ab-july-26-sona-ng-bayan

It isn't enough for us to wait for Noynoy to tell what he plans to do for us. We should let him know what WE want him to do for us. Whether you voted for him or not, he is now our president and we should assert to him what the real needs of the people are.

Sa darating na July 26, 2010. Walang [pa]pasok dahil ang lahat ay magtutungo sa SONA ng BAYAN upang sama-sama nating ipahayag sa administrasyong Noynoy Aquino ang tunay na lagay ng bayan at ang kanyang mga dapat na gawin upang bigyang lunas ito.

Ang tunay na pagbabagong panlipunan ay magsisimula sa sama-sama nating pagkilos.

ab-july-26-sona-ng-bayan-2

May pasok ka sa Lunes? Ang isang araw na pagliban sa klase ay maaaring isang malaking kawalan sa iyong attendance o grade. Pero magagawan naman yan ng paraan. Maaari ka pa na bumawi lalo na kung mag-aaral ka ng mabuti.

Ngunit ang pagkilos sa Lunes ay parang isang linya sa lumang awit: "..it's now or never." Habang nasa umpisa pa lang tayo ng rehimen ni Noynoy, mahalaga na agad nating maiparating sa kanya ang nais nating mangyari para sa ating bansa.

Kailangan ang nagkakaisa nating mga tinig upang talunin ang mga bulong ng mga trapo at oportunista na nakapaligid sa kanya. Dahil kung pababayaan natin na magpadala siya sa sulsol ng mga makasariling interes na ito, tayo na naman ang kawawa sa bandang huli. Mahirap nang bumawi.

Tapos na ang panahon para maging apathetic. Laos na ang mga walang pakialam sa mundo. Dahil kahit pilit mo mang iwasan ang katotohanang lugmok sa krisis ang bayan, sasambulat ito sa iyo kahit saan ka bumaling. Kaya't higit kailanman, ngayon ang tamang pagkakataon para tayo ay kumilos upang tunay na pagbabago nga ang manaig sa ating bayan. :)

Muli, SONA ng BAYAN. July 26, 2010. Pagtitipon ng kabataan sa may kanto ng Tandang Sora at Commonwealth Avenue. Para sa iba pang detalye, mag-email sa anakbayan.media@gmail.com o mag-text sa 09086123260.

signature

2 comments:

  1. Testing. :) Yahoo! Nainstall na din ang Disqus. :)

    ReplyDelete
  2. It's our pleasure to invite you to support and join PEBA 2010 as Nominee.

    Experience the joy of writing beyond blogging. Be A Nominee of PEBA 2010. (http://www.pinoyblogawards.com/)

    Inspire a Family, Inspire a Community, Inspire the World.

    ReplyDelete

Leave your comments, reactions and suggestions below.