On My "Writing Habits"

Tanong mula sa Formspring: "Ano po mga favorite mong topic tuwing nagsusulat ka? :) Saang place ka madalas magsulat? Kailangan ba talaga ng inspirasyon kapag magsusulat? Kung ganun, sino/ano inspirasyon mo? xD"

Halos lahat. Nasubukan ko na rin noon sumulat ng tungkol sa showbiz pero laging may halong pulitika or should I say, 'social perspective?' Madalas din ang tungkol sa buhay ko dahil masyado akong madrama. Lol.

Madalas nag-uumpisa ung mga isinusulat ko sa isang note na tina-type ko sa cellphone. Tapos pag naubos na ung 3000 characters. Saka ako magsusulat sa isang papel na madalas di ko natatapos. Kaya sa harap ng computer ako nagsusulat. Pag inspirado ako, tuloy-tuloy ang pagpindot ko sa keyboard. Pag ndi. Pinapanuod ko ung mga paboritong videos ko na nakasave sa PC.

Kung place, lahat halos ng artikulo na naisulat ko eh naumpisahan habang nakasakay ako sa kahit anong sasakyan. May makikita kasi ako na isang bagay o pangyayari sa byahe na nag-iinspire sa akin magsulat.

Siguro ung inspirasyon eh secondary. Una talaga eh kailangan na gusto mo talaga magsulat. Un ang mahalaga.

Inspirasyon? Hmmm.. Depende sa kung ano ang aking isinusulat. Ung huling post na sinulat ko na nasa FB ay dahil sa mga nakita ko na bata noong naglalakad ako pauwi. Nagkakalkal sila ng basura. At iyung narinig ko na argumento sa dyip na kaya hindi raw nakakapag-aral ung anak nung kapitbahay nila eh dahil tamad ung nanay at tatay. Ayaw daw magtrabaho.

Kaya wag ka tatabi sa akin sa biyahe at malamang na magawan kita ng artikulo. :D

Ang haba uli ng sagot ko. Haha.. :D

Tanong lang ng tanong. Make me feel important. Lol.

signature

1 comment:

  1. Shet hindi ko maiwasang sagutan toh. Guess I'm allured to questions that has something to do with writing.

    Favorite topic ko.. hmm.. anything that has to do with emotions. sadness, rage, bitterness, love etc. It's funny coz I'm a practicing journalist pero parang hindi ko naippractice. I'm more on poetic writing e

    place. sa kwarto or kahit saan na serene

    inspiration.. in a writer's perspective oo. Ako para sakin importante siya kasi hindi ako nagsusulat sa blogs ko ng basta basta. Kapag walang inspiration ung sulat ko hindi siya noteworthy ipost sa blog parang ganon. ah basta importante siya hehe ayun.

    sana makabisita ka sa bahay ko
    http://thewriterbythewindow.blogspot.com

    ReplyDelete

Leave your comments, reactions and suggestions below.