Idiot Kwatro

Basahin mo nga ulit iyung nasa itaas.

Baka ang basa mo eh, “kwarto”, “kwatro” iyan. Wala lang.

Anyway, ito na ang post na siguro magdudulot ng malawakang ‘digmaang sibil’ ng mga Kapuso at Kapamilya sa buong Pilipinas. Hehe…

Ngayon pag-usapan naman natin ang ‘battle of networks.’

Kung pag-uusapan ko ang pinakamagandang istasyon ng telebisyon batay sa aking sariling ‘standards’ o masasabi ko ring panlasa. Mas maganda pa rin at dynamic ang paggawa ng programa ng Channel 2 kaysa sa Channel 7. Oo nga’t naagaw nila ang sinasabi nilang ‘ratings,’ na hindi naman talaga mawari kung totoo ba talaga iyun o hindi, hanggang doon na lang iyon. Kasi gumawa at ginaya nila ang klase ng programa ng ABS-CBN. Sino ba talaga ang naunang gumawa ng ‘telepantasya?’ Sino ba talaga ang unang ‘nag-import’ ng mga Chinese, Taiwanese at Koreano na iyan? Sino ba talaga ang unang gumawa ng mga ‘drama anthology’ na iyan? Sino? Siguro naman alam ninyo ang sagot.

Magmula noong naagaw na nila ang mga ratings, naging masyadong ‘overcrowded’ na ng mga Koreanong palabas ang airwaves. Pati na ng mga ‘telepantasya’ na hindi naman talaga maihahalintulad sa “Lord of the Rings” o kung anu man, pero may iba pa rin akong kwento diyan, dahil kung ikukumpara sa LOTR, purong fantasy at adventure lamang ito at wala ang mga anggulo ng ‘love triangle’ o ‘agawan ng mga minamahal,’ na isa na sigurong common genre ng mga Pinoy shows. Kaya’t tumigil nga sila sa kakapagmalaki na napakaganda ng kwento at effects chuva diyan. Dahil gaano ba talaga katagal lumalabas at ginagamit ang mga effects na iyan? 30 seconds? 1 minute? Matagal na siguro iyung 1 minute.

Madalas pa ay puro pag-uusap. Iyakan. Dramahan. Naiba lang ang bihis. Parang si Mara at Clara na ang costume lamang ay Amazona pero ganun pa rin ang ginawa nila. Nagsasabunutan habang hawak ang kanilang mga pana. Nagsasampalan habang may hawak na espada. Sabi nga ni Polgas na may patungkol naman sa mga pulis, “Kung buwitre ka, kahit magbihis-kalapati ka, e buwitre ka pa rin!”

Pero bago ang iba pa, alam mo ba kung ano ang buwitre? Natanong ko lang…

Sana naman mag-inovate sila ng iba, hindi lamang ang GMA kundi pati na ABS-CBN. Pero mas hanga ako sa huli, dahil naisipan nilang gumawa ng mga programa na ngayon pa lang natin nakikita sa telebisyon. Gaya ito ng Noypi, Bandila, at puwede na rin siguro iyung Real Pinoy Fighter, at least gumagawa sila ng bago. Hindi iyung patuloy na sumasabay sa agos. Mas maganda iyung paminsan-minsan gumagawa tayo ng isang bagong pagdadaluyan.
Susunod: Bagong Daluyan.

The Idiot Box Series

Dahil sa nakakadalawang artikulo na ako na tungkol sa telebisyon dito sa Pilipinas, naisipan kong gawan na lang siya ng isang series na dedicated sa T.V. na hindi lamang sa Pilipinas, worldwide na, o di ba, sosyal.

At ito ang ikatlong serye.

Ngayon naman pag-usapan natin ang mga “reality-shows.”

Malamang marami sa atin ang nahumaling sa panonood ng PBB. O para hindi baduy e iyung “Amazing Race” at “Survivor.” Malamang aliw-aliw tayo sa panonood ng mga nasabing shows. Nakikita natin kuno ang “totoong drama sa totoong buhay.” Nakikita natin kung paano sila naghihirap na maabot ang $1 milyong dolyar.

Nakikita din natin kung paano nahihirapan ang kanilang kalooban dahil sa kailangan nilang mag-vote out ng isa nilang kasama. Nakikita natin kung paano sila maghilamos. Mag-toothbrush. Kumain. Kulang na lang siguro pati ang paggamit nila ng banyo. Siyempre mare-rated X na sila kung ipapakita nila iyun. Pero balita ko iyung PBB sa U.K. ay “soft-porn.” Uy… Interesado siya.. Pagkatapos o hindi pa niya natatapos basahin ito ay mag-se-search na siya sa Google o Yahoo.

Isa pa ay nauso din iyung mga challenge-challenge na iyan. Pabilisang matapos ang challenge. Kakain ng adobong daga, iinom ng isang basong itlog, gagamitin ang bunganga pangkuha ng mga bola sa ilalim ng isang batya na puno ng maruming tubig. Parang ang saya-saya noh?

Pero, talaga bang iyun ang tunay na buhay? O tinatakan lang nila na iyun ang tunay na buhay?
Mas maganda siguro para talagang totoong drama sa tunay na buhay ang PBB ay doon nila gawin iyon sa squatters area sa Tondo o di kaya sa Payatas at Smokey Mountain. Hindi ba iyun ang tunay na buhay? Bakit? Lahat ba ng mga Pilipino ay may libreng C2 araw-araw? Lahat ba ng mga Pilipino ay nakatanga lang diyan sa isang tabi at tatawagin sila ni Kuya para kunin ang kelangan nila doon sa stock room? ‘Di ba?

Hindi naman sa sobrang kj na ako at gusto kong gawin na super seryoso ang lahat ng palabas sa TV. Isa lang naman ang sana mangyari. Kung gagawa na lang sila ng palabas, sana ay talagang makabuluhan at mapapakinabangan ng mga tao.

Kung sa bagay hindi naman lahat ng tao ay kaya nilang i-please at kabilang na ako doon. At siguro, dahil sa naging ganito na ang aking mindset, mahirap nang mabago pa ito.

Siguro kamakailan lang ay nailagay na ang programang “Noypi” ng Channel 2 sa primetime slot na katapat naman sa kabila ay “Ghost Fighter.” Siguro mas maganda kung gumawa din ng kahalintulad na palabas ang Channel 7. Pero sino ba naman ako para mag-suggest ng ganon? Hindi naman ako kasing lakas at yaman ng mga advertisers para sabihin sa kanila kung ano ang dapat nilang gawing palabas.

Pasintabi sa mga Kapuso fans. Pero kayo na ang susunod

pErS sEm LeSsOnS

Sa unang 5 buwan ko bilang isang mag-aaral sa mataas na paaralan, dito sa Unibersidad ng Pilipinas, narito ang ilang sa mga bagay na aking natutunan habang ako ay nandito. May mga masasabi ko na 'scientific studies' ako na natutunan at ako mismo ang 'experimental rat.'

  1. Ang pinakamasarap na bagay na maaaring mangyari sa iyo ay ang maging tanga. Dahil dito madami kang bagay na matutuklasan. Makikita mo ang tunay mong sarili.
  2. Isa pang masarap na mangyari ay ang maligaw ka ng silid-aralan na papasukan at makinig ka sa itinuturo ng iyong propesor hanggang sa malaman mong hindi pala iyon ang iyong klase.
  3. Maganda talagang ehersisyo sa katawan ang paglalakad, lalo na sa ilalim ng mga puno. Sariwang hangin ang iyong malalanghap.
  4. Mag-ingat sa higad na gumagapang sa iyong paa. Sa dinami-dami ng mga lugar na puwede akong gapangan ng isang higad ay doon po sa aking kuwarto sa aming 'boarding house.' Mag-ingat ka lalo na at kakatapos lang ng ulan. Siguradong nalaglag sa mga puno iyan at gagapang kung saan-saan. Huwag din ito kakamutin kung ayaw mong mamaga ka. Buhusan agad ng alcohol at sa loob ng 3 araw wala na ang kati. Iyun nga lang sa 3 araw na iyon, ubusin mo na ang iyong pagtitiis na hindi ito kamutin.
  5. Mahalaga ang pamaypay sa buhay mo. Ito ay lalo na kung ikaw ay nag-100 meter dash patungo sa iyong klase. Siguradong tatagaktak ang iyong pawis. Magdala ka na rin ng tubig para palitan ang nawalang tubig sa katawan.
  6. Karugtong ng tungkol sa paglalakad, kailangan na regular mo itong gagawin upang mabigla ang iyong katawan at baka magkasakit ka pa. At ang 30 minutong paglalakad ay makakaubos ng 3 litrong tubig sa katawan mo, lalo na kung lakad-takbo.
  7. Huwag kang matutuwa kung wala kayong pasok. Mas mabuti nang may pasok para hindi mawala ang 'momentum' ng iyong 'desire' para mag-aral. Dahil kadalasan tuwing walang pasok, nakatunganga lang ako.
  8. Minsan akala mo napakahirap ng lahat pero ikaw lang pala ang nagpapahirap sa sarili mo. Huminto ka muna at pag-isipan ang iyong mga gagawin. Minsan ang utak mo lang ang naghahalo-halo ng lahat para magmukhang mahirap pero kapag inayos mo ay hindi pala.
  9. Sabi ni Thomas Hobbes, "Life is solitary, poor, brutish and short." Bakit? Dahil sa ang tao ay nasa "state of war." At bakit nasa "state of war?" Dahil ito sa ang mga tao bago ang Social Contract Theory ay mga "free and equal individuals." Dahil sa wala pang "social contract," kanya-kanya ang lahat. Pero nang ang mga "freea nd equal individuals" ay napag-isipan na hindi dapat ganito, sila ay pumirma sa isang "Social Contract" para bumuo ng "state and society." Hiwalaya ang "state" at "society" para sa mga "social contractarians." Ano ang halaga nito? Wala lang. Pero si Karl Marx ay maituturing na "the greatest thinker of all time." Bakit? Mag SocSci2 ka na lang. Hehe..
  10. Huwag kang sasakay ng ikot o toki kapag mahuhuli ka na sa klase, mas maganda na maglakad ka dahil mas mabilis pa ang paglalakad kesa ang dyip.
  11. Kapag may tumatawag sa iyo, huwag ka kaagad lilingon sa likod.. [evil laughter]
  12. Mahirap makulong sa loob ng simbahan.
  13. Isang sulat lang ang kailangan mo para makausap mo ang gusto mong makausap, lalo na yun..
  14. Tayong mga kabataan ay masyadong "sellf-centered."

Iyan na ang mga masasabi ko na mahalagang aral na natutunan ko ngayon. Pero hindi pa tapos ang unang sem, baka may bago pa akong matutunan.

Image Source: Rolando Tolentino's Weblog

signature