The Idiot Box Series

Dahil sa nakakadalawang artikulo na ako na tungkol sa telebisyon dito sa Pilipinas, naisipan kong gawan na lang siya ng isang series na dedicated sa T.V. na hindi lamang sa Pilipinas, worldwide na, o di ba, sosyal.

At ito ang ikatlong serye.

Ngayon naman pag-usapan natin ang mga “reality-shows.”

Malamang marami sa atin ang nahumaling sa panonood ng PBB. O para hindi baduy e iyung “Amazing Race” at “Survivor.” Malamang aliw-aliw tayo sa panonood ng mga nasabing shows. Nakikita natin kuno ang “totoong drama sa totoong buhay.” Nakikita natin kung paano sila naghihirap na maabot ang $1 milyong dolyar.

Nakikita din natin kung paano nahihirapan ang kanilang kalooban dahil sa kailangan nilang mag-vote out ng isa nilang kasama. Nakikita natin kung paano sila maghilamos. Mag-toothbrush. Kumain. Kulang na lang siguro pati ang paggamit nila ng banyo. Siyempre mare-rated X na sila kung ipapakita nila iyun. Pero balita ko iyung PBB sa U.K. ay “soft-porn.” Uy… Interesado siya.. Pagkatapos o hindi pa niya natatapos basahin ito ay mag-se-search na siya sa Google o Yahoo.

Isa pa ay nauso din iyung mga challenge-challenge na iyan. Pabilisang matapos ang challenge. Kakain ng adobong daga, iinom ng isang basong itlog, gagamitin ang bunganga pangkuha ng mga bola sa ilalim ng isang batya na puno ng maruming tubig. Parang ang saya-saya noh?

Pero, talaga bang iyun ang tunay na buhay? O tinatakan lang nila na iyun ang tunay na buhay?
Mas maganda siguro para talagang totoong drama sa tunay na buhay ang PBB ay doon nila gawin iyon sa squatters area sa Tondo o di kaya sa Payatas at Smokey Mountain. Hindi ba iyun ang tunay na buhay? Bakit? Lahat ba ng mga Pilipino ay may libreng C2 araw-araw? Lahat ba ng mga Pilipino ay nakatanga lang diyan sa isang tabi at tatawagin sila ni Kuya para kunin ang kelangan nila doon sa stock room? ‘Di ba?

Hindi naman sa sobrang kj na ako at gusto kong gawin na super seryoso ang lahat ng palabas sa TV. Isa lang naman ang sana mangyari. Kung gagawa na lang sila ng palabas, sana ay talagang makabuluhan at mapapakinabangan ng mga tao.

Kung sa bagay hindi naman lahat ng tao ay kaya nilang i-please at kabilang na ako doon. At siguro, dahil sa naging ganito na ang aking mindset, mahirap nang mabago pa ito.

Siguro kamakailan lang ay nailagay na ang programang “Noypi” ng Channel 2 sa primetime slot na katapat naman sa kabila ay “Ghost Fighter.” Siguro mas maganda kung gumawa din ng kahalintulad na palabas ang Channel 7. Pero sino ba naman ako para mag-suggest ng ganon? Hindi naman ako kasing lakas at yaman ng mga advertisers para sabihin sa kanila kung ano ang dapat nilang gawing palabas.

Pasintabi sa mga Kapuso fans. Pero kayo na ang susunod

No comments:

Post a Comment

Leave your comments, reactions and suggestions below.