Sa unang 5 buwan ko bilang isang mag-aaral sa mataas na paaralan, dito sa Unibersidad ng Pilipinas, narito ang ilang sa mga bagay na aking natutunan habang ako ay nandito. May mga masasabi ko na 'scientific studies' ako na natutunan at ako mismo ang 'experimental rat.'
- Ang pinakamasarap na bagay na maaaring mangyari sa iyo ay ang maging tanga. Dahil dito madami kang bagay na matutuklasan. Makikita mo ang tunay mong sarili.
- Isa pang masarap na mangyari ay ang maligaw ka ng silid-aralan na papasukan at makinig ka sa itinuturo ng iyong propesor hanggang sa malaman mong hindi pala iyon ang iyong klase.
- Maganda talagang ehersisyo sa katawan ang paglalakad, lalo na sa ilalim ng mga puno. Sariwang hangin ang iyong malalanghap.
- Mag-ingat sa higad na gumagapang sa iyong paa. Sa dinami-dami ng mga lugar na puwede akong gapangan ng isang higad ay doon po sa aking kuwarto sa aming 'boarding house.' Mag-ingat ka lalo na at kakatapos lang ng ulan. Siguradong nalaglag sa mga puno iyan at gagapang kung saan-saan. Huwag din ito kakamutin kung ayaw mong mamaga ka. Buhusan agad ng alcohol at sa loob ng 3 araw wala na ang kati. Iyun nga lang sa 3 araw na iyon, ubusin mo na ang iyong pagtitiis na hindi ito kamutin.
- Mahalaga ang pamaypay sa buhay mo. Ito ay lalo na kung ikaw ay nag-100 meter dash patungo sa iyong klase. Siguradong tatagaktak ang iyong pawis. Magdala ka na rin ng tubig para palitan ang nawalang tubig sa katawan.
- Karugtong ng tungkol sa paglalakad, kailangan na regular mo itong gagawin upang mabigla ang iyong katawan at baka magkasakit ka pa. At ang 30 minutong paglalakad ay makakaubos ng 3 litrong tubig sa katawan mo, lalo na kung lakad-takbo.
- Huwag kang matutuwa kung wala kayong pasok. Mas mabuti nang may pasok para hindi mawala ang 'momentum' ng iyong 'desire' para mag-aral. Dahil kadalasan tuwing walang pasok, nakatunganga lang ako.
- Minsan akala mo napakahirap ng lahat pero ikaw lang pala ang nagpapahirap sa sarili mo. Huminto ka muna at pag-isipan ang iyong mga gagawin. Minsan ang utak mo lang ang naghahalo-halo ng lahat para magmukhang mahirap pero kapag inayos mo ay hindi pala.
- Sabi ni Thomas Hobbes, "Life is solitary, poor, brutish and short." Bakit? Dahil sa ang tao ay nasa "state of war." At bakit nasa "state of war?" Dahil ito sa ang mga tao bago ang Social Contract Theory ay mga "free and equal individuals." Dahil sa wala pang "social contract," kanya-kanya ang lahat. Pero nang ang mga "freea nd equal individuals" ay napag-isipan na hindi dapat ganito, sila ay pumirma sa isang "Social Contract" para bumuo ng "state and society." Hiwalaya ang "state" at "society" para sa mga "social contractarians." Ano ang halaga nito? Wala lang. Pero si Karl Marx ay maituturing na "the greatest thinker of all time." Bakit? Mag SocSci2 ka na lang. Hehe..
- Huwag kang sasakay ng ikot o toki kapag mahuhuli ka na sa klase, mas maganda na maglakad ka dahil mas mabilis pa ang paglalakad kesa ang dyip.
- Kapag may tumatawag sa iyo, huwag ka kaagad lilingon sa likod.. [evil laughter]
- Mahirap makulong sa loob ng simbahan.
- Isang sulat lang ang kailangan mo para makausap mo ang gusto mong makausap, lalo na yun..
- Tayong mga kabataan ay masyadong "sellf-centered."
Iyan na ang mga masasabi ko na mahalagang aral na natutunan ko ngayon. Pero hindi pa tapos ang unang sem, baka may bago pa akong matutunan.
Image Source: Rolando Tolentino's Weblog
mganda ung content basahin nyu..
ReplyDeletei highly recommend it...
hmmm, sa paglipas ng panahon (at baka nga alam mo na ito ngayon pa lang) matututunan mo ring di lahat ng gusto mong makuha sa crs ay makukuha mo, kahit na first priority mo pa ito.. lalo na ngayon, ako ay labis na nalulungkot nang makita ang results kanina lang..
ReplyDeletelady dimanche