Iba't Ibang Makasaysayang Lugar sa Bayan ng Bulakan, Bulacan

Your Ad HereKahapon, habang walang tigil sa pagbuhos ng ulan si Bagyong Pablo ay nasa labas kami ng kapatid ko para magfield trip; isang field trip na wala sa plano. Noong gabi lang nagkayayaan para kumuha ng mga larawan ng mga 'historical sites' dito sa amin. At taga saan nga ba ako? Sa Bayan ng Bulakan, Lalawigan ng Bulacan. At bago pa kayo malito kung taga saan ba talaga ako, bibigyan ko kayo ng konting background mula sa Wikipedia entry na isa ako sa mga gumawa.

"Bulacan or Bulakan is a 2nd class urban municipality in the province of Bulacan, Philippines. According to the 2000 census, it has a population of 62,903 people in 13,577 households.

Bulakan is the birthplace of Marcelo H. del Pilar, a Filipino nationalist who published the Filipino propaganda paper La Solidaridad. The town is also the birthplace of his nephew, Gregorio del Pilar, a Filipino revolutionary general, and Soc Rodrigo, a former Philippine senator.

Bulakan is one of the oldest town in the Philippines, became the encomienda or capital of the Provincia de la Pampanga, and later became the first capital of the Province of Bulacan before it was moved to Malolos shortly after the American occupation.

The Municipality of Bulakan lies in the southwestern part of the province of Bulacan and is surrounded by a number of proximate municipalities. It is bounded on the North by the Municipality of Guiguinto, on the South by the Manila Bay, on the East by the Municipality of Bocaue, on the West by the City of Malolos, on the Northeast by the Municipality of Balagtas and on the Southeast by the Municipality of Obando. It is about thirty five (35) kilometers away from the City of Manila. Approximately, 72.90 square kilometers or 2.7284% of the total land area of the entire Province, which is 2,672.03 square kilometers. It ranks tenth (10th) in terms of land area among other municipalities in the province."

Gaya nga ng nabanggit na, kami po ang dating kapitolyo ng Bulacan. Ngunit dahil sa naging mas mabilis ang pag-unlad ng katabing bayan nito na Malolos at ang unti-unting pag-alis ng mga tao papunta rito, itinalaga ng mga Amerikano ang Malolos bilang bagong kapitolyo. At nito lamang Agosto 15, 2008, ipinagdiwang namin ang ika-430 taong kapistahan ng Nuestra Senora dela Asuncion, o ang Our Lady of Assumption na aming patrona (noong 1578 ito unang ipinagdiwang). At dito rin ibinatay ang 'founding anniversary' ng lalawigan ng Bulacan kaya ipinagdiwang rin nito lamang Setyember ang ika-430 pagkakatatag ng lalawigan. Basta iyun.

At bilang mamamayan ng bayan na ito, at sa kauna-unahang pagkakataon sa aking 'blogging career,' gagamit ako ng mga 'orihinal na larawan' na kuha mula sa digicam na hindi akin. At naisave ko na din ito sa 'sarili kong usb.' At paalala sa mga gustong gumamit ng mga sumusunod na larawan, maaari lamang na bigyan ako ng tamang kredito para naman mabigyang hustisya ang paglalakad namin sa ilalim ng malakas na ulan para lamang makakuha ng mga larawang ito, ok?

Ang Plaza Del Pilar

(Ang pangunahing plaza sa aming bayan. Nasa harap ito ng aming munisipyo na kasalukuyang nirerenovate.)

Ang Marker sa Plaza Del Pilar

(May gagawin akong blog post tungkol sa pulitika sa aming bayan. Iyung nababasa ninyong mayor diyan sa marker, siya pa din ang nakaupo ngayon at sa nakaraan pa na halos tatlong dekada. At may isang konsehal diyan na nandito pa din at si SK ay isa nang konsehala.)

Pagsuko ng mga Kastila kay Heneral Gregorio Del Pilar

(Isa sa apat na mga 'historical engravings' na makikita sa loob ng plaza.)

Ang Parokya ng Nuestra Senora Dela Asuncion

(Unti-unti nang sinisimulang ang renovation ng aming simbahan. Tapos na ang altar sa loob. Sayang nga lang at hindi kami nakapasok para makuhanan ito.)

Historical Marker ng Simbahan

Ancestral House ng mga Lava

(Sino ang mga Lava? Sila ang tinatawag ngayon ng CPP-NPA-NDF ni Joma Sison na 'taksil na pangkating Lava.' Isa ang mga Lava Brothers na sina Jose, Jesus at Vicente Lava sa mga key leaders ng Partido Komunista ng Pilipinas o PKP-1930 na namuno sa rebelyon ng mga Huk noong 1950s.)

Monumento ni Del Pilar

(Bagong gawa lang ito sa 'kabutihang loob' ng aming kongresista. Dati napakadungis ng lugar na ito at hindi mo halos pansin kung hindi ka titingin ng mabuti.)

The 'Boy' General

(Ang pamosong 'pose' ni Del Pilar sa isa sa kanyang mga larawan. Sinasabi ng ilang historyador na isa siya sa mga 'fashionista' ng rebolusyon.')

Historical Marker ng 'Birthplace ni Gregorio Del Pilar'

Ang 'inuulang' National Monument ni Marcelo Del Pilar

(Matatagpuan ito sa Barangay San Nicolas, Bulakan, Bulacan. Dito kadalasan ginagawa ang mga pagdiriwang ng kanyang kaarawan (August 30) pati na ang ilang event na may kinalaman sa journalism at press freedom.)

Isa pang kuha ng Monumento ni Plaridel

(kasama ang mala-bathroom tiles na flooring na talaga namang pag hindi ka nagdahan-dahan sa paglalakad eh tiyak na madudulas ka.)

Rebulto ni Plaridel

(huwag nang mag-isip ng kung ano pa sa puting bilog na nasa ibaba, flash lang po iyan ng digicam, nakalimutan kong patayin eh..)

Isa pang kuha sa Monumento ni Plaridel

(Madilim ang kuha dahil na rin nga sa sama ng panahon.)

Ang Ancestral House ng mga Del Pilar

(May museo iyan sa loob na naglalaman ng mga memorabilia at mga artefacts ni Plaridel.)

At ang pamatay na panira ng inyong araw:

Ako at si Plaridel

(Mabilisan ang pagkuha niyan dahil nga sa malakas ang ulan, hindi tuloy maayos ang aking pose, hehehe.. Pagkasenyas ay agad ko na tinago ang hawak ko na payong sa likod at hindi na ako nakapag-smile pa, hehe.. :D)

Sa susunod ay magbibigay pa ako ng ilang mga impormasyon tungkol sa aming bayan pati na din sa aming barangay, lalo na sa kasaysayan nito at sa lagay ng pamumuhay at pulitika dito. Iyun lamang sa ngayon. Muli, salamat sa panahong inukol mo sa pagbabasa ng blog ko. :D




2 comments:

  1. nice para akong nag tour sa bulacan hehe

    hey i have a little request can you change my url link leviuqse.blogspot.com (retarded's notebook) into www.retardedsnotebook.com

    thanks thanks thanks in advance!

    have a great daye

    ReplyDelete
  2. nakakainggit ang bulacan. andami nyu kayang artists dyan. taga-dyan si amado hernandez, pati si jun cruz reyes.

    feature ka naman ng masarap na pagkaing bulacan. hihi.

    ReplyDelete

Leave your comments, reactions and suggestions below.