Isang linggo na mula nang muli kong nire-launch ang aking blog. Madami na agad ang nangyari. Hindi lang sa aking blog pati na din sa 'offline life' ko. At sa loob ng isang linggo na ito, madami akong dapat ipagpasalamat. At bago pa ako maiyak (iyakin ako, tingnan ang post na ITO), narito na ang ilang mga bagay na lubos kong ipinagpapasalamat:
Una sa lahat, maraming salamat sa mga patuloy na bumibisita sa blog ko sa pamamagitan ng Entrecard. Ito na halos ang buhay ng aking blog pagdating sa mga bisita ayon sa Google Analytics. Hindi man ako regular na nakakapag-drop ay may ilan pa rin na sobra pa ang ibinabalik na drops sa akin. Narito ang Top Ten Droppers ko sa buwan ng Setyembre:
- Thailand Land of Smiles: 24
- Read Write React: 24
- Everything Has A Reason: 21
- Subjective Soup: 21
- C'est La Vie: 21
- Lamberry: 20
- Joan Joyce: 18
- Today's Games: 17
- The Lady Programmer: 17
- Merydith's Place: 17
Ikalawa, labis ang pagkagulat ko nang malaman ko na may 27 na subscribers na ang blog ko! (via FeedBurner) Hindi ko alam kung ilan ang mga subscribers ko sa ibang feed services ngunit nagpapasalamat ako dahil may ilan pala na nakakita ng kabuluhan sa mga isusulat ko pa sa blog na ito. Maraming salamat po sa inyo. Hindi ko kayo bibiguin sa paghahatid ng mga 'dekalidad' na posts/articles.
Ikatlo, ayon sa Alexa, naglalaro na ngayon ang aking rankings pagdating sa traffic sa pagitan ng top 180,000 to 200,000 sites (kasalukuyang nasa 190,895). Hindi na ito masama dahil umakyat naman ito kahit papaano mula sa dati nitong rank na 325,621 noong July. Nalagpasan ko na din ang higit sa 20,000 visits para sa aking blog. At masaya ako dahil naglalaro na ngayon sa 50-60 ang daily average visits sa aking blog. Sana sa susunod na buwan ay umangat pa ito kahit konti sa 100 visits/day. At sa awa ni Google Pagerank, hindi nagbago ang PR3 ko. Hindi ko alam ang dahilan pero siguro sa katamaran ko na makipaglink-exchange. Kaya mula ngayon, lahat ng madaanan ko na site ay inaalok ko na ng 'ex-links.' At salamat sa mga tumugon na. :D Sa mga hindi pa, hihintayin ko kayo, hehehe.. :)
Ikaapat, natanggap ko na ang aking bayad na nagkakahalaga ng $19.17 mula sa AdBrite! Akala nga nung suki naming kartero eh nanalo ako ng jackpot sa lotto mula Amerika. At nagtataka daw siya kung bakit panay mga taga ibang bansa ang sumusulat sa akin. Sabi ko, secret. Hehe.. :) Balik tayo sa natanggap ko na bayad. Ang problema ngayon ay kung saan ko idedeposito ang nasabing tseke. Patulong naman. May bank account ang nanay ko kaso peso account ito. Puwede ba na maideposito ko ang tseke kahit nasa dolyar pa ito? Sana ay may tumugon. Maliit na halaga ito pero iba iyung pakiramdam na alam mo na bunga ito ng pagaaksaya ng oras mo at pagod. (nakakapagod pala ang blogging? hmmm...)
At bilang pangwakas, ibinabalita ko na kasalukuyan ko nang niluluto ang pagsusulat para sa aking unang libro. Wala pa akong kinakausap na publisher. Ayoko kasi nung pine-pressure ako na magsulat para makahabol sa deadline. Baka kung anu pa masulat ko. Hehe.. Natapos ko na ang introduction kagabi at susunod na ang Chapter 1. At kung ano ang tipo ng libro na isinusulat ko? Secret uli, hehehe.. :)
Nawa'y muli akong makapagsimula sa buhay nitong buwan na ito. Muli, maraming, maraming sa inyong lahat!!! :D
Like this post? Subscribe in a reader
Click dito to get your FREE scratch card and get a chance to WIN FREE Globe or Smart load.
No comments:
Post a Comment
Leave your comments, reactions and suggestions below.