On the "Yellow" Posters in Bulacan

Tanong mula sa Formspring: "Anu masasabi mo sa mga posters na kumakalat na tumutuligsa sa mga alvarado ng pagtatayo ng isang political dynasty sa lalawigan? tingin mo, sino yung nagpapakalat nito? at panu mo nasabi na hindi nga tutulad si alvarado sa mga naunang namuno sa bulacan?"

Well, obvious na galing ito sa kaniyang mga nakalaban. May dalawang punto ako hinggil sa dinastiya. Una, nagiging masama ang dinastiya dahil isinasara nito ang oportunidad para sa ibang tao na may kakayahang maglingkod ngunit walang pinansyal na kapasidad at nagdudulot ito (madalas) ng katiwalian at tila pag-angkin na ng isang pamilya sa pamahalaan (gaya ng ginawa ng Mendoza siblings na nagpasahan lang sila ng puwesto).

Ikalawa, hindi masama ang pagkakaroon ng dinastiya kung ang kanilang pananatili ay lehitimo at suportado ng mamamayan at ang kanilang pamumuno ay kakikitaan ng malawak na progreso at pag-ahon ng mga tao sa kahirapan.

Pero sa akin mas matimbang ung unang punto. Ngunit wala naman din kasi un sa kung sino ang nakaupo - ito ay nasa kung may ginagawa ba ang nakaupo.

Si Alvarado ay may magandang reputasyon noon pa man sa Unang Distrito. Kilala na madaling lapitan at hingan ng tulong. Kung tama ang aking nabalitaan, naglalaan sila ng dagdag na pondo sa PGH para sa mga indigent patients mula sa Bulakan. Mga bagay na hindi nagawa nung dalawang magkapatid na walang ibang ginawa kundi magpatayo ng mga waiting shed at magpasikat.

May malinaw din na paninindigan si Alvarado sa mga isyu sa Bulakan gaya sa North Food Exchange, pagmimina sa Biak na Bato at sa kalagayan ng mga Dumagat sa DRT. Paninindigan na hindi natin nakita sa magkapatid.

Ang mahalaga lang, babantayan pa rin natin si Alavardo gaya ng pagbabantay na ginawa natin sa dalawang magkapatid upang ang kaniyang mga polisiya at ipapatupad na programa ay maging pabor sa mga mamamayan.

Tanong lang ng tanong. Make me feel important. Lol.

signature

No comments:

Post a Comment

Leave your comments, reactions and suggestions below.