Masasabi ko na ito ang sequel sa aking 'Mamang Malaki' episode. Pero this is completely different from the 'Mamang Malaki' episode. This is all about the world of formality.
Sa aking class sa SocSci2 (Social, Economic and Political Thought of the Western Thinkers - course title pa lang pamatay na), ito na siguro ang pinakaformal na class na napasukan ko. Una, may 11 commandments ang aming propesora na itago natin sa alyas na Ms. SocSci2 dahil isa siya ang napapabalitang pinakamagaling na teacher ng SocSci2 sa UP. Ikalawa, every 2 weeks may iba't ibang seating arrangement at hindi ka magsasawa sa pagmumukha ng katabi mo.
At ang medyo tumatak sa amin ay kapag nagtatawagan sa klase kailangan na may 'Ms' o 'Mr' at kasunod nito ang iyong surname. Sa recitation, sa attendance, sa pagtse-check kung sino pa ang wala lahat kailangan na ganun.
Kaya sa lahat ng aking mga kaklase hindi ko alam ang kanilang first name o nickname man lang. So kapag nagkikita kami sa AS lobby o sa CAL, ganito ang eksena..
Ako: (Naglalakad sa may AS lobby.)
Siya: (Naglalakad din.)
At biglang makikilala ang isa't isa..
Ako: Mr. Pataksin? (Note: Hindi ko nga din nga pala alam kung ano ang spelling ng name nila.)
Siya: Mr Lim?
Ako: Ako nga.
Siya: Di ba classmate kita sa SocSci2?
Ako: Iyung kay Prof. SocSci2 (Note again: Itinatago ko siya sa alyas na iyan.)?
Siya: Oo. San ka ngayon?
At dun nagwawakas ang kanilang pagkikita..
Madami pa sila.. Ms. Espedido, Ms. Tan, Ms. Acero, Mr. Castillano, Mr. Lopez and the list goes on..
Kaya kung magkikita man kami kahit sa ibang class ex. MBB1 gaya ni Ms. Espedido, tawag niya sa akin ay Mr. Lim at Ms. Espedido din ang tawag ko sa kanya. Iyun namang mga classmates namin naki-Mr. Lim na din. Napasok na sa kokote namin na ang formality na pinakilala ni Ms. SocSci2.
Pero okay na din iyun, mas magandang pakinggan at para presidente na din ang turing nila sa akin.. hehe.. peace!
Oo nga pala, ako si Mr. Lim.
Image Source: By Common Consent
No comments:
Post a Comment
Leave your comments, reactions and suggestions below.