The World Bully - Unang Kabanata

  • Nakakalungkot isipin na kung ano pa ang tinitingalang bansa sa buong mundo, e siya pang pasimuno nang lahat ng gulo sa mundo.. unknowingly.
  • Iyan ang United States of America. Nakamit ang kalayaan mula sa Britanya noong 1776. Pero ngayon sila naman ang nananakop. Sila naman ang nanggugulo.
  • Saan nga ba nanggaling si Spiderman? Di ba natutuhan niya.. "with great power comes great responsibility." Di ba ang kanyang bayan ay Amerika? So di ba dapat practice what you preach?
  • Mula nang matapos ang Cold War, ang Amerika na ang naging pinakamalakas at pinakamakapangyarihang bansa sa buong mundo. Kaya niyang pasunurin ang United Nations dahil sa malaking bahagdan ng budget nito ay nagmumula sa US. Kaya siyempre, kahit pa sabihin nila na pantay-pantay ang mga bansa sa samahang ito, dominant force pa rin dito ang US. Kaya din niyang pagbintangan ang isang bansa na nagtatago ito ng Weapons of Mass Destruction at lusubin ito ng walang anumang opposisyon. May ilang aalma, pero wala din naman silang magagawa. Dahil kayang-kaya silang durugin ng US. Kayang-kaya din niya na maglagay ng kanyang mga polisiya at makialam sa soberaniya ng isang bansa. Paikutin ang ekonomiya ng mundo at makuha ang kanilang gusto.
  • Kung may aalma, kung may kokontra kaya nilang patahimikin. Papatawan nila sa pamamagitan ng UN ng mga economic sanctions ang mga bansang ito. Gaya ng North Korea. Sigurado ba tayo na talagang napakasama ng kanilang lider? Saan ba natin nakuha ang ganitong impormasyon. Sa US. Sigurado ba tayo na tama ito at totoo? Paano naman ang North Korea? Narinig na ba natin ang kanilang panig?

Simula pa lang ito. Gisingin ang natutulog nating diwa. Ako si Dennio. Galit sa GINAGAWA ng Amerika.

Image taken from: Nazmilia

signature

No comments:

Post a Comment

Leave your comments, reactions and suggestions below.