Nitong mga nakaraang araw, medyo naging mainit ang ulo ko, lalo na nang nanonood ako ng TV. Para bang asar na asar na ako sa mga ipinapalabas ng mga TV stations. Halos isumpa ko na ang kaluluwa noong mga 'brains' sa likod ng mga nasabing programa. Pintas dito, pintas doon. Bakit?
Ito siguro marahil ay epekto noong mga natutunan ko sa aming J18 class. Well, ipapakilala ko muna sa inyo kung ano ba itong J18 class ko?
Noong unang nagenlistment ako sa CRS dito sa UP, isa ito sa mga subjects na napili ko at hanggang noong enrollment, ito lamang ang bukod tangi sa lahat ng mga G.E. courses na pinili ko ang naibigay sa akin iyung iba nawala na. Hindi ko na nga matandaan kung anu-ano iyon.
Pero masasabi ko na blessing in disguise pa rin ang nasabing pangyayari dahil sa pagmamanual enlistment ko ay naging maganda ang mga napili kong G.E. courses at unknowingly, isang klase lang ng sked ang meron ako sa araw-araw.
Anyway, ang course title ng J18 namin ay "News in the New Century." Sa title nito, naengganyo ako. Naisip ko, mahahasa pa dito ang aking skills sa pagsusulat lalo na sa larangan ng Journalism. Pero higit pa pala doon ang mga bagay na matutunan ko.
Hindi kaagad iyun ang itinuro sa amin. Siyempre andyan muna ang Journalism Code of Ethics at saka ung mga framing mechanisms ng mga balita pati na mga terms na madalas ginagamit ng mga journalists. Madalas kami ding magfilm viewing gaya noong "The Paper" na tungkol sa isang tabloid na nasa bingit na ng pagsasara. Ang fave line ko doon na hindi ko alam kung sino ang nagsabi ay "Never let truth come in the way of a good story." Iyung isa pa ay iyung "Wag the Dog." Dito ipinakita kung paano nakagawa ang mga media companies sa Amerika ng isang digmaan sa Albania na hindi naman talaga nangyari at nagamit pa ito ng Pangulo ng Amerika sa kanyang kampanya para manalo sa eleksyon. Fave line: "Don't change horses in midstream." - Ito ang campaign 'slogan' noong Pangulo ng US. At lately ay iyung "Reporters at War." Tungkol naman sa mga war correspondents na ikinukwento ang mga karansan nila sa iba't ibang giyera na nangyari sa mundo.
Okay, enough of all that stuff. Sa mga nasabing palabas, namulat kami sa kung paano namamanipula ng mga nasa media ang pag-iisip ng mga tao. Nakita namin kung paano nila nakakayang lokohin ang mga manonood sa pagpapakita ng mga larawan o bidyo na hindi naman talaga totoo. Nakita namin kung gaano ka-bias ang mga nasa media sa pagbibigay ng balita.
Pero sa kabila nito, hindi pa rin naman nawawala ang tiwala ko sa mga media companies. Kaya lang hindi talaga maiiwasan na mapansin ko ang ilan o madami nilang biases. Kahit pa ano ang sabihin nila sa kanilang mga slogan gaya ng Panig sa Katotohanan o Just News, may bias pa din sila. Bakit meron silang bias? Una na lamang ay sa kung sino ang nagmamayari ng mga nasabing istasyon gaya ng ABS-CBN ang mga Lopezes. Madami silang mga businesses kaya kung meron mang mga balita na may kinalaman gaya ng sa Meralco, medyo toned down ang kanilang balita para naman hindi masira ang kanilang interests. Iyung GMA, si Felipe Gozon, lingid sa kaalaman ng lahat isa siyang Marcos Crony, kaya kung may mga balita sa mga Marcoses ay ganoon din, medyo magaan ang balita.
Doon palang masyado nang malakas ang ebidensya ng biases. Paano pa kaya iyung mga mismong nasa newsroom o ang mga reporters mismo at marami pang kachokaran diyan.
Doon naman tayo sa mga palabas na nasa primetime.
Tingnan mo na lang ang line-up ng kanilang mga programa. Noon si Darna, ngayon si Sabina, nandyan din si Krystala na naging Super Inggo. Masyadong napakaraming mga 'telepantasya' series sa TV ngayon. Isama mo pa dyan ang mga Koreanovela. Iyung Dos at Siyete ay nagaagawan sa mga nasabing palabas. Iyung Dos, "the first and true home of Asianovelas" etong siyete naman e, "The Heart of Asia." Hanep sa paggawa ng bandwagon.
Madalas napakaganda ng mga trailer nila at may mga kino-quote pa silang mga critics o mga 'viewers' kuno dahil hindi naman natin alam kung talagang nageexist sila. Balik tayo dun sa trailer, ang ganda. Sobra sa mga special effects at pati na ang mga ipinapakitang teasers. Pero kapag pinanood mo na e eeengggk.. ang panget.
Isa pa a iyang mga special effects na iyan. Nakupo, ay grabe talaga sa paggamit ng mga special effects na iyan. Minsan sobrang hindi na angkop sa eksena e pilit na nilalagyan ng effects.
Haay naku sumasakit na ulo sa kakaisip pa diyan.
Basta. Gumawa naman sila ng mga me sense na palabas. Eto ang aking suggestions.
- Alisin ang showbiz news sa mga news programs. Pabayaan niyo nang may The Buzz at S-Files tuwing Linggo.
- Muling ibalik ang mga educational programs gaya ng Knowledge Power. Kung irereplay lang, forget about it.
- Umisip naman ng mga original concepts at hindi na lang puro love story na may naaapi tapos happy ending. Gumawa naman kayo nang makatotohanan hindi puro kathang isip na nagbibigay ng mga 'false hopes' sa mga tao.
- Ilagay ang mga TV documentaries sa primetime. Gumawa pa kayo niyan kung sa hatinggabi niyo lang ilalagay. Sino pa kaya sa tingin niyo ang mamumulat sa mga nasabing palabas? O baka talagang ayaw niyo lang mamulat ang mga tao.
- Huwag na huwag papakialaman ng mga may-ari ng mga nasabing media companies ang paglalabas ng balita. Ilabas ang nararapat. Kung kailangan na makita sa mga bidyo ang mga pugot na ulo ipakita nang maramdaman talaga ng mga tao kung ano ba talaga ang nangyari sa mga nasabing balita.
- Tigilan na at tantanan na ang paggawa ng mga reality shows. Wala naman talaga saysay iyun kundi nakikita mo lang kung ano ang totoong kulay ng tao at ipinapakita lang kung paano sila mangulangot.
- Tantanan na ang sobrang pagyayabang ng mga ratings. Hindi naman iyan sukatan kung talagang magandang ang nasabing programa o puro ka-cheapan lang.
Iyun lang. Manonood pa kasi ako ng TV.
Image Source: From the Magpie's Nest
IMPRESSED tama un ang tamang word and Brave na din.. sana mdami png kgya m s earth..
ReplyDeleteIMPRESSED tama un ang tamang word and Brave na din.. sana mdami png kgya m s earth..
ReplyDelete