Hmmm.. Mukhang medyo dumadami na ang aking supporters.. hehe..
Dahil iyan sa aking report sa PolSci 11. Ganito kasi ang nangyari.
Ang aming irereport ay tungkol sa Charter Change. I-pipresent namin ang dalawang sides ng issue na ito. Napagkasunduan namin na parang debate ang gagawin namin pero hindi iyung sagutan. Iyung ipipresent namin ang aming side at paninindigan ito. Ang side ko ay ang Anti- ChaCha.
Sinimulan ko ang aking presentation sa pagsasabi ng aking napakapersonal na dahilan kung bakit ayaw ko ng ChaCha. Sabi ko, pangarap ko kasi na maging Pangulo ng Pilipinas. Iyun lang sinabi ko iyon at pagkatapos ay kung tumingin na sila ay parang ang laki ng expectation sa akin.
Tapos ginatungan pa iyan ni Joemar, iyung ka-group ko. Sabi niya sa opening statement niya. "Ladies and gentlemen.. you have just heard the speech of our future president.."
Nung kinahapunan na, nakasalubong ko sa aking paglalakad ang isang kong kaklase. Itago natin siya sa pangalang "Via." Nang makita niya ako, eh bigla na lang ba nagsisigaw na "Uy, si Pangulong Dennio!" For the pers taym sa UP, me tumawag sa akin na ganun. Parang naiskandalo ako noon dahil ang daming tao dun sa lobby at parang tinitingnan at hinahanap nila kung sino iyung Dennio na iyun. Anyway, nilapitan ko na lang para medyo matahimik. Me kasama pa pala siya nun. Sabi niya "ayan may isang boto ka na."
Oo nga pala, dun din sa Comm3 class namin nasabi ko na iyun.
Wala lang na-ishare ko lang.
Ako nga pala si Pangulong Dennio.
Walang kokontra.
Image Source: Wikipedia
No comments:
Post a Comment
Leave your comments, reactions and suggestions below.