Monday, July 31, 2006

0 Mamang Malaki

Ika-31 ng Hulyo 2006, malakas ang ulan sa labas. Malamig. At ang pinakamasarap sa lahat, matulog. Matulog ng matagal. Ayoko na ngang bumagon. 6:30 ng umaga nag-alarm ang aking ever worthy and trusted na cellphone. Tiningnan ko lang ang cell ko at may dalawang message agad. Binasa ko, I mean, binuksan ko lang. Tapos, nakatulog ulit ako.

Tapos bigla akong nagising. Alas-siyete na. Medyo tinatamad pa rin ako bumangon at napikit ulit ako ng mga 4 minutes. Tapos nagising ulit ako. At doon nagmadali akong kumilos. Inihanda ang mga gamit in 3 minutes. Naligo ng 10 minutes. Nagbihis ng 2 minutes at naglakad papunta sa sakayan ng 5 minutes. Tapos ng dyip ng 1 minute at bumaba doon sa may the ever reliable na kainan. Tapos nun pumunta ako sa may sakayan sa may waiting shed. At ang tagal kong naghintay ng toki (kasi papunta ako ng Math Building. Lima kaming naghihintay. May dumating na isang toki pero isa lang ang puwede. Naunahan akong sumakayn nung matanda. Then may dumating na kasunod. Dalawa kulang, nauna akong sumakay sa toki at may isang babae na sumunod. Masikip na pero umupo pa rin kaya naman ako, *uhurm* dahil sa may respeto ako sa mga babae, ako na ang medyo umusad para makaupo ng maayos iyong girl. At nag-thank you naman siya.

Pero lahat ng sinabi ko doon ay walang kinalaman sa mamang malaki. Eto pa lang ang istorya ng mamang malaki.

At iyun na nga, nakarating kami ng Math Building, may nakasalubong akong isang classmate na palabas kaya medyo nagtaka ako. And then madami pa akong nakasalubong, mabuti na lang at iyung isang mabait na anghel ang nagsabi sa akin na wala kaming klase. Kaya naman, nasabi ko na lang na sayang dapat nakatulog pa ako ng matagal.

Anyway, e di sakay ulit ako ng toki. Iyun din ang dyip na sinakyan ko papunta. Sa may tabi ng drayber ako umupo. Tapos sumakay din iyong ilang classmate ko. Apat ata sila na mga babae. Tapos umalis na kami dun at nagdaldalan iyung apat. Eto ang dialogue base sa natatandaan ko.

G1: Uy, buti na lang nakasalubong ko kayo. Akala ko late na ako. Buti na lang walang klase.

G2: Oo nga.

G1: Iyung isang kasabay ko kanina sa dyip, iyung 'mamang malaki', umakyat pa ata, kawawa naman.

Sa puntong iyun ng pag-uusap medyo nagulat ako. (At oo nga pala, kaya naman dinig na dinig ko ang pag-uusap nila siyempre nasa likod ko lang sila.) Napaisip ako. Sino kaya iyung mamang malaki? Malamang inisip ko na ako nga iyun, siyempre obvious naman. At totoo nga ang iniisip ko.

G3: Sino? Iyung nag-iisa lang na nagsolve nung problem set na ang taas ng nakuha?

Ay, hindi pala iyun hehe.. Repeat..

G3: Sino? Iyung nag-iisa na nagsolve ng problem set?

G4: Iyung late sa departamental test (hoy, 2 minutes lang naman.. hehe - Ang iniisip ko) na nagiisang pumasok?

G1: Oo iyun nga.

Tapos may nagbayad inabot nila siyempre iyung bayad sa drayber. At iyung nagabot na isa sa mga nag-uusap tungkol sa akin, nakita niya ako. Tapos, bigla na lang nasabi ng pabulong na natatawa:

G*: Oh my god, (*tawa*) ayan pala iyung 'mamang malaki'..

At iyun natahimik na sila, pero nagbubungisngisan pa rin. At ako naman napapangiti na lang.

Kaya mamang malaki ang tawag nila sa akin kasi tahimik ako sa klase at hindi gaanong nakikipag-usap.l Pero kapag may nanghihiram, binibigay ko kaagad, kapag may nagtatanong sinasagot ko. Pero iyung mga tsikahan ng kung ano-ano wala. Isa nga lang ang kilala ko dun na kaklase ko pa sa MBB1 na talaga namang masaya ako kapag MBB1 dahil sa..(hanggang doon na lang, basta masayang-masaya ako.) Pero iyung teacher ko ay kilalang-kilala ako kasi ako ang unang nagconsult sa kanya dati. Pero sa buong klase, ako si 'mamang malaki.'

Kakaiba pala ang pakiramdam kapag nadidinig mo na pinaguusapan ka ng ibang tao. Iyun bang, nakakainis na nakakatawa. Naisip ko lang paano kaya si God? E palagi siyang napag-uusapan tapos nadidinig pa niya. Siguro, natatawa siya sa mga pinagsasabi ng mga tao.

Pero tayong mga Pilipino, likas na siguro sa atin na pag-usapan ang isang tao. Lalo na siguro ang mga artista. Personal na buhay, ugali, mga ginagawa niya at kung ano-ano pa. Buti na lang hindi natin naririnig ang mga napag-uusapan nila tungkol sa atin. Pero exciting din pala iyun na malalaman mo ang tingin sa iyo ng ibang tao kapag hindi mo na sila kaharap; kahit pa hindi maganda ang sinasabi nila.

Kung mapupunta ka sa ganung sitwasyon, makinig ka lang. huwag kang magagalit at kung ano man ang sabihin nila, siyempre, magandang gamitin natin iyun para sa ikabubuti natin.

Ako nga pala si Dennio a.k.a. "Mamang Malaki."

Image Added: 05/15/2010

Image Taken From: Sungka Master

signature

Wednesday, July 26, 2006

0 Ang Tunay na Araw ng Kalayaan ng Pilipinas?

Lahat tayo namulat na sa Hunyo 12 bilang Araw ng Kalayaan ng Pilipinas. Subalit medyo bigla akong napa-hmmm.. sa isang pamphlet na napulot ka sa upuan sa Claro M. Recto Hall kanina lang. Oo.. napulot. Kasi naiwan ata nung nakaupo dun. Siyempre dahil sa nakuha ng titulo nito ang aking atensyon dahil sa pamagat nitong: KILALANIN AT GAWING PISTA OPISYAL ANG SETYEMBRE 16. Hmm.. Another holiday for us.. puwede.. Pero, higit pa sa holiday na madadagdag sa atin, may isang magandang punto ang mga nagsusulong nito.

Sa araw na ito, tunay na nakamit ng Pilipinas ang kalayaan ng ating bansa.

Bakit?

Dahil 15 taon na ang nakaraan, noong ika-16 Setyembre 1991, pormal na napaalis sa ating mga bansa ang mga base militar ng mga Amerikano.

Hmm.. Ilan kaya ang nakakaalam sa atin nito. Kahit ako, ngayon ko lang nalaman ang petsa noong bumoto ang 12 Senador upang ibasura ang Military Bases Agreement .

Interesting.. huh..

Eto na ang continuation.

Ang word-per-word na paliwanag ng grupong ito.

Bakit mahalaga ang pagkilala sa Setyembre 16

1. May kasabihan ngang "Ang hindi marunong lumingon sa pinanggalingan ay hindi makakarating sa paroroonan." Kilalanin natin at unawain ang nagdaang kasaysayan upang matiyak nating tama ang ating tinatahak sa kasulukuyan.

Itutuloy..

Author's Note: Hindi ko na ito naipagpatuloy dahil nawala na ang kopya ng nasabing polyeto.

Image Added: 05/15/2010

Image Taken From: Pinay Lighter Side

signature

Tuesday, July 25, 2006

0 SOPAs: State of the Philippine Address 2001-2006

Magandang araw aking mga kababayan, lalo na kay Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo at ang kanyang mga kakampi sa Kongreso, sa opposisyon: sa mga tagasuporta ni dating Pangulong Estrada, sa mga party-list groups, sa mga madalas mag-rally, sa mga kongresistang nagsusulong ng impeachment at sa mga ilang obispo at sa mga hindi ko nabanggit.

Pansinin ninyo ang aking pagbati sa inyo. Doon sa administrasyon ay collective na. Pero sa opposisyon, kinailangan ko pang isa-isahin. Bakit? Sapagkat ang administrasyon ay mas buo at nagkakaisa sa ilalim ng pera (ay mali).. ni Pang. Arroyo. Pero ang opposisyon kanya-kanya. Nagkaroon dati ng tinatawag na United Opposition na pinamunuan ni Makati Mayor Jejomar Binay paro walang nangyari dun dahil sa hindi pagkakasundo.

Bakit kamo?

Sapagkat hindi man nila aminin, lahat ng nasa opposisyon kesyo sinasabi nila na sila ang tagapagtanggol ng bayan at kesyo sila ang tunay na boses ng masa ambisyon ng mga iyan na makaupo sa Malakanyang. May kani-kanyang mga gusto. Masyadong mataas ang pride. Kaya sa mga taga-opposisyon talagang "everyday ay pride-day."

Kaya kung titingnan niyo sari-sariling opinyon sila. Kanya-kanyang banat. Paano nila malalabanan ang lakas ng (pera at kapangyarihan) ng mga nasa administrasyon. (hehe.. Pang. Arroyo.. Inciting to sedition na ba ito?)

Ngayon balik tayo sa kalagayan ng Pilipinas.

Mahigit 85 milyon na tayong mga Pilipino at inaasahang magiging 100 milyon tayo pagdating ng 2025. At sa 85 milyong Pilipino, halos kalahati ay mga bata. Ibig sabihin anumang ginagawa ng mga nakakatanda sa amin lalo na ang nasa gobyerno ay malaki ang epepkto sa amin. At dapat na kaming "batang populasyon" ang binibigyang pagpapahalaga.

Sa edukasyon na lamang, halos 50,000 mga silid-aralan ang kulang sa buong bansa. Iyan ang kulang kung wala ang tinatawag ni Pang. Arroyo na "double-shifting" ng mga klase. Iyan ang mga kinakailangang silid-aralan para maging maganda ang kalidad ng edukasyon. Idagdag mo pa dyan ang halos 20,000 kakulangan sa mga guro.

At dahil lumalaki pa ang populasyon, taon-taon ay kailangang magdagdag pa ng mga classroom at guro.

Isa pa itong problema sa populasyon. Dahil sa si Pang. Arroyo ay isang "devout Catholic", asahan na ng ating bansa na wala tayong isang komprehensibong "population program at policies." Kaya sigurado na ang patuloy na pagtaas ng ating populasyon taon-taon.

Pero..

May isang balita dati na noong taong 2005, bumaba ang ating population growth rate mula 2.36% sa 1.98%. Maganda iyon hindi ba? Pero ang malungkot, kaya medyo malaki ang binaba ng paglaki ng ating populasyon ay sapagkat mas madaming Pilipino ang umaalis ng bansa kaysa sa ipinapanganak araw-araw. Nadinig niyo ba ang balitang ito dati. Siguro halos lahat ay hindi alam ito.

Bakit?

Sapagkat malaking sampal ito sa gobyerno at hindi nila ito kayang ipagmalaki. Kasi, wala namang ginawa talaga ang gobyerno. Oo, talagang walang ginagawa. Kaya naman sa dahil wala silang ginagawa, mas ninais ng maraming Pilipino ang umalis sa Pilipinas. Ganyan na tayo kahirap. Sa hirap ng buhay, darating ang panahon na mangangalahati na ang tao sa Pilipinas.

Sa aking pagkakaalam, 12 bilyong piso lamang ang budget para sa kalusugan noong nakaraang taon, samantala naman sa militar o defense ay mga 60 bilyong piso ang budget. Kahit na hindi pa sakto o tugma sa mga opisyal na pigura ang mga nasabing numero, makikita natin na mas prayoridad pa ng pamahalaan ang mga kasundaluhan kaysa sa kalusugan.

Bakit?

Mas takot ang gobyerno natin sa mga mag-aalsang sundalo dahil sa maliit ang kanilang budget kaysa sa mga magpoprotestang maysakit. Kasi naman ang mga sundalo, pagpalagay na nating malulusog at walang sakit at hahawak pa sila ng armas. Iyung mga nasa PGH o anumang pampublikong ospital, hindi naman nila kayang magalsa kasi maysakit sila.

Ganyan kung magmahal ang ating gobyerno sa mga maysakit. Binibigyan sila ng pambili ng kendi o baka nga hindi pa nga sila makabili dahil sa wala pa sa piso kada Pilipino ang budget natin para sa kalusugan.

May puwede pa naman tayong purihin kay Pangulong Arroyo. Tumaas ang GDP. Lumakas ang palitan sa piso sa dolyar. Tumaas ang ating exports. Bumaba ang ating budget deficit.Ang sarap sanang pakinggan nito kung nararamdaman nga natiin ito.

Nakagawa nga ng madaming rabaho noong 2005. Oo, natupad ni Pang. Arroyo ang 1 million jobs per year. Kaya lang puro naman contractual ito bna karamihang hanggang 6 months lang. So, after six months, wala ulit trabaho iyung 1 milyon.

Balik nga tayo kay Pangulong Arroyo..

Kilala kaya niya talaga si Virgillio "Garci" Garcillano? Kilala din kaya niya si JOcelyn "Joc-Joc" Bolante? Nasaan na kaya si Garci ngayon? Bakit naman kailangang mag-ambag-ambag ang mga Pilipino para sa pampiyansa ni Joc-Joc e kung halos 1 bilyong piso ang nawaldas na dapat sana'y pambili ng fertilizer?

Kaawa-awa naman ang mga magsasaka na sana nagamit nila ang fertilizer upang mas palaguin at padamihin ang kanilang mga ani. Kawawa naman ang mga taong nagpagod sa kahahanap ng kanilang pangalan sa mga presinto tapos dadayain lang pala ang boto nila.

Itutuloy..

Image Added: May 15, 2010

Image Taken From: Filipinayzd

signature

0 Are You Korean?

"Honestly, do I look Korean?"

hehe.. Nangarap na naman daw. Madami magrereact: "ang kapal ng mukha.."

Iyan ang naging tanong ko sa aking sarili mula noong isang magandang araw ng Hunyo habang naglalakad kami ni kaypee sa harap ng AS o Palma Hall, may nakasalubong kaming isang grupo ng mga Korean na mukhang naliligaw o kung ano man. Basta to make the story short, padaan na kami sa harap nila ng biglang lumapit ang isang lalake sabay tanong...

"Are you Korean?"

At sa isang mabilis na pagmumuni-muni, naisip ko din na pagtripan ang mga nasabing Koreano pero siyempre *uhurm* isa akong Pilipinong mahal ang Pilipinas at inaalagaan ang pangalan nito.. Hindi ko ginawa sa halip ang sabi ko sa isa napakagandang English.. "No, I'm not." hehe..

Sabi ko 'di ba to make the long story short, pero humaba pa din.

Anyway, madaming turista ang ganyan. Naliligaw. Kaya naman ang ating mga magigiting, mauutak at tusong mga kababayan ay biglang maiisip na manggantso. Kunyari alam niya itong lugar na ito at dadalhin siya doon pero ang hindi alam ng pobren turista na siya pala ay dadalhin sa kung saan at saka hoholdapin or worse kidnapin.

Kaya tuloy, kahit sabihin pa natin na ilan lang naman ang mga insidenteng ganyan, kahit papaano malaki pa rin silang kabawasan sa atin at sigurado na paguwi nila sa kanilang mga bansa ay ikukwento nila ang karanasang ito sa ibang tao at iisipin na nilang nakakatakot pala pumunta sa Pilipinas.

Wow..

Napunta na ako sa turismo, dahil lang sa tanong na..

"Are you Korean?"

Image Added: May 15, 2010

signature

Friday, July 21, 2006

0 Naglakad ng nakahubad... at nakita ang kanyang..

Ui interested siya.. Binasa kaagad niya. Hmmm.. Is there something fishy about this article or about you? Hehehe... Well, hindi na ako magbabanggit ng kung ano pa dito at baka kung ano pa ang sabihin niyo.

Kung muli mong babasahin ang pamagat nitong article sa taas, e baka isipin mo na may kalaswaan o kung ano pa man ang nakalagay dito. Nagkakamali ka aking mambabasa. Wholesome ito noh at walang kung ano man.

At ang nilalaman ng article na ito.. ay tungkol sa akin.

Sa dinami-dami na ng mga nai-post kong mga articles, hindi pa ako nakagawa ng isa para ipakilala ang sarili ko.

Eto ang biodata/autograph ko:

Name: Jose Dennio Pascual Lim Jr.

Birthdate: March 10, 1990

Birthplace: Chinese General Hospital, Manila (Dr. Sanggalang ang doktor.. la lang)

Father: Denny S. Lim

Mother: Milagros P. Lim

Permanent Address: *edited for security reasons* <-May 15, 2010

Nationality: Filipino

Religion: Roman Catholic

Height: 6'2"

Weight: 85 kilos

Favorite Color: Blue

Favorite Food: Lahat basta pagkain

Favorite Movie: Documentaries? (movie ba 'yun?)

Favorite Topic: Anything about the Philippines

Define Love: toooooooooot.......

Who is your crush?: (secret.. at para sa mga malikot ang utak at pag-iisip [magkaiba iyun] hindi na iyun yun, understand? hehe..)

Greatest Ambition in Life: to be the President of the Philippines (*uhurm*)

Oo nga pala, kung sa darating na hinaharap ay magalit si PGMA dahil sa mga posibleng artikulo na gawin ko tungkol sa kanya. Nandyan ang address ko kaya mahahanap mo ako. (ang tapang.. hehehe..) Pero mamatay muna ako bago mo makuha. (asus.. drama king.. hehehe..)

Anyway, para ito sa mga taong hindi pa ako kilala at hindi nila alam ang basic facts tungkol sa akin.

At iyung naglakad ng nakahubad at nakita ang kanyang...

Kalimutan niyo na iyun.

Image added: May 15, 2010

Thursday, July 20, 2006

0 Is it coincidence or what?

Well, this was my question starting Tuesday, July 20, 2006. Well let me tell you the story in Filipino.. Only the introduction would be in English.. hehe..

Nagsimula itong mga kakaibang pangyayari noong nakaraang Biyernes, July 14, 2006. Nag-aabang ako ng toki sa may Shopping Center, and then doon sa sasakyan kong dyip, nakaupo sa harapan iyung kaklase ko na Fil-Chinese sa harap, so nakita niya ako at nakita ko siya.

Pero bago ang lahat sasabihin ko muna kung bakit ito kakaiba.

Itong kaklase ko na ito ay hindi ko pa siya nakakausap kahit kailan. Tapos, palagi kami parang nagpapakiramdaman. noong 1st three days ata ng klase ay magkatabi kami, tapos nung sumunod, hindi na. So talagang hindi ko na siya nakakausap. And then, nagkaroon kami ng first activity sa Comm3. Extemporaneous speech about yourself. At iyun, dun ko nalaman na talagang medyo isnob siya. Hindi siya basta-basta nagiging kaibigan at hindi siya kadalasan ang lumalapit para makipag-kaibigan.

Ngayon balik tayo sa mga nangyari.

Nagkita kami. Pero siyempre alang batian na nangyari kagaya ng pangkaraniwan na naming batian nung iba kong kaklase na:

Situation: Nakita ko ang isang kaklase na hindi ko pa nakakausap kahit kailan

Ako: Hi, 'di ba classmate kita sa chuva subject?

Kaklase: Oo, di ba ikaw si Mr. Lim? (walang dagdag iyan)

Ako: Oo, ako nga iyun. Huwag na Mr. Lim, Dennio na lang.

Kaklase: Ano?

Ako: Deeeennniooo.

Kaklase: Ah, Dennio. Ako naman si chuva ekek.

Ako: (Makikipag-shake hands lalo na kung babae.. *uhurm*) Ah.. nice to meet you chuva ekek..

Kaklase: Nice to meet you too..

..at pagkatapos nun ay kung anu-anong kwento ng buhay na hanggang sa magbabye na dahil may next class pa siya o ako.

Ganun ang dialouge.

Pero itong isa kong kaklase. Hindi ko nagawa iyun.

Anyway, sumakay na ako ng toki at nakapunta sa Math Building dahil may ipapasa ako sa Prof namin.

At naulit pa ang mga ganung sitwasyon. Nagkasalubong kami noong Monday sa Math Building at siyempre alang batian ulit. Noong Tuesday naman, nagkita ulit kami. Siya naman ang nag-aabang ng dyip at ako ang nakasakay. Pero 'di siya sumakay kasi tatawid pala siya. Kaya simula noon bigla kong natanong.. What the heck is this? Is it coincidence or what?

At nung wednesday, nagkita na naman kami at iyung araw na iyun ay 3 beses kami nagkita at nagkasalubong. At lalo pa ako napatanong, is it really a coincidence or what?

at kanina..

Pagkatapos ng Math11 class ko ay naramdaman ko na parang may sinat ako. Kaya naisipan kong umuwi muna sa boarding house para makakain at makainom ng gamot. Ayun, nakapila ako sa sakayan ng toki na unknowingly.. nasa unahan pala ng pila iyung kaklase ko.. Tapos ayun, sa harap siya sumakay at ako ang huling pasaherong sumakay pero sa may likod pa niya ako naupo. Ayun, nagkita na naman kami pero sabi nga sa amin sa Comm3.. no communication has been established..

At oo nga pala. Lalake iyun ha. (Madami ang mashoshock. *gulp*)

Naisip ko tuloy. Eto serious masyado..

Bakit ba namin kailangang magkita araw-araw? Ginawa ba iyon ng Panginoon para magsawa kami sa aming mga pagmumukha? O Ipinadala ba ako ng Panginoon upang kaibiganin siya kahit na parang mahirap kaibiganin? Bakit naman siya pa ang madalas kong makita at hindi iyung.. iyung.. (basta.)

Hanggang sa mga oras na ito. Iniisip ko pa rin na baka magkita ulit kami bukas.

Image taken from here: LP Archive

Tuesday, July 18, 2006

0 Lupang Hinirang - Bulacan Version

0 WOW Philippines

Narito ang mga commercials nung WOW Philippines sa ibang bansa at iyong nakikita natin sa TV. Pero may ilan na never before seen talaga. Kaya tingnan mo na lang.



0 Ang Pambansang Awit ng Pilipinas

Monday, July 17, 2006

0 The Hague Joint Declaration: September 1, 1992

Nakuha ko ito sa official website ng mga komunista dito sa Pilipinas. Ang kanilang website ay ang www.philippinerevolution.net.

We, the undersigned emissary of the Government of the Republic of the Philippines (GRP) and the undersigned representative of the National Democratic Front (NDF) have held exploratory talks at The Hague, The Netherlands on August 31 September 1, 1992 and have agreed to recommend to our respective principals the following:

1. Formal peace negotiations between the GRP and the NDF shall be held to resolve the armed conflict.

2. The common goal of the aforesaid negotiations shall be the attainment of a just and lasting peace.

3. Such negotiations shall take place after the parties have reached tentative agreements on substantive issues in the agreed agenda through the reciprocal working committees to be separately organized by the GRP and the NDF.

4. The holding of peace negotiations must be in accordance with mutually acceptable principles, including national sovereignty, democracy and social justice and no precondition shall be made to negate the inherent character and purpose of the peace negotiations.

5. Preparatory to the formal peace negotiations, we have agreed to recommend the following:

a. Specific measures of goodwill and confidence building to create a favorable climate for peace negotiations; and

b. The substantive agenda of the formal peace negotiations shall include human rights and international humanitarian law, socio economic reforms, political and constitutional reforms, end of hostilities and disposition of forces.

Signed on September 1, 1992 in The Hague, The Netherlands.

For the Government of the Republic of the Phiippines


Rep. Jose V. Yap

Emissary


For the National Democratic Front of the Philippines

Luis Jalandoni

Representative


Witnesses:

Rep. Eric D. Singson

Tereseita de Castro

State Counsel

Coni Ledesma

Byron Bocar

Jose Maria Sison


Approved by:

(Sgd)

Fidel V. Ramos

President

Government of the Republic of the Philippines

October 8, 1992


(Sgd)

Manuel Romero

Chairperson

National Democratic Front of the Philippines

September 9, 1992



Sunday, July 16, 2006

0 Panawagan kay Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo

Revised: July 18 2006

Mahal na Pangulo,

Sigurado namang hindi mo ito mababasa o ni makikita man lamang pero dahil blog ko ito, karapatan kong isulat kung ano ang sinasabi ng aking puso.

Narito ang ilan sa aking mga suhestyon mula sa aking satiling pananaw bilang isang Pilipinong nagmamahal sa kanyang bansa.

1. Kung gusto mong matigil na ang mga pag-aalinlangan ng mga tao na talamak ang korapsyon sa iyong administrasyon at hindi mo kinukunsinte ang mga ito, ipahuli mo na si Jocelyn "Joc-Joc" Bolante at ipakulong ng panghabambuhay.

2. Alisin mo sa posisyon sa gobyerno ang lahat ng mga retiradong heneral upang mapatunayan mo na hindi ka "under" nila at hindi ka natatakot sa kanila.

3. Kung hindi ka talaga nandaya sa nakaraang 2004 elections, palabasin mo si Garcillano upang sabihin ang buong katotohanan.

4. Taasan mo ang suweldo ng mga guro. Ipantay mo ito sa suweldo ng mga pulis. Dagdagan mo pa ng budget sa edukasyon. Tulungan pa ang mga guro na paghusayin ang kanilang pagtuturo.

5. Itaas ang budget sa kalusugan. Itaguyod ang modernisasyon ng lahat ng mga pampublikong ospital. Itaas ang sahod ng mga pampuklikong nars at mga doktor. Taasan ang benepisyong makukuha ng mga mamamayan sa PhilHealth.

6. Itaguyod ang pag-alaga sa kalikasan. Pahintuin lahat ng uri ng pagputol ng puno sa loob ng 25 taon at simulan ang 'reforestation' ng ating mga kagubatan.

7. Dagdagan ang badyet para sa research and development. Suportahan ang lahat ng mga imbentor at mga siyentipiko sa ating bansa.

8. Isulong ang modernisasyon ng agrikultura. Pigilan ang mga importasyon ng mga produktong agrikultural lalo ng kung makikipagkompetensiya sa ating mga lokal na produkto.

9. Tulungan ang lahat ng mga maliliit na negosyante na palaguin at palakasin ang kanilang negosyo.

10. Magsagawa ng "massive urban at rural planning" para sa buong bansa.

11. Itaguyod ang paggamit ng mga alternatibong mapagkukunan ng enerhiya. Huwag matakot sa mga kumpanya ng langis.

12. Itigil ang mga masyadong magaganda at halata namang hindi totoo na mga press release. Aminin kung mayroong nagawang pagkakamali at itama ang nagawang ito.

13. Bawasan mo ang badyet ng militar pansamantala. Huwag munang bumiyahe sa labas ng bansa maliban na lamang kung talagang talagang mahalaga ito at para sa ikabubuti ng bansa.

14. Itigil ang walang kwentang idineklara na all-out war sa mga rebeldeng NPA. Sa halip, gamitin ang pobdo upang mapalapit ang mga nasa kanayunan at kabundukan sa pamahalaan sa pamamagitan ng pagpapaabot sa kanila ng mga social services na kanilang hinihingi. Ipagpatuloy ang usapang pangkapayapaan.

ipagpapatuloy...

Image Source: Kapirasong Kritika



Saturday, July 15, 2006

0 Mabuhay ang Pilipinas!


Wala lang.. Gusto ko lang ipakita ang aking pagmamahal sa ating bansa sa pamamagitan ng pagpapakita sa inyo ng bandila ng Pilipinas at ilang lugar sa ating bansa na talaga naman maganda 'di ba? Walang kokontra..

*******************************************************************

Boracay


Chocolate Hills

Banaue Rice Terraces


Image Source: Microsoft Encyclopedia 2003



0 The Asia Times Series - Philippines: More pain, no gain

In a statement printed in the Philippine Star newspaper on September 21, Philippine President Gloria Macapagal-Arroyo urged her fellow citizens to "suffer the pain now and experience the gains two years hence [rather] than postpone the pain and die a painful economic death two years from now".

The pain hapless, ordinary Filipinos are told to suffer comes in the form of new tax measures to the tune of P80 billion (about US$1.43 billion) a year Arroyo has asked Congress to enact posthaste. The sum amounts to 1.8% of the country's 2003 gross domestic product (GDP). The promised gain is uncertain at best: passage of the measures might forestall a threatened sovereign credit downgrade from the country's present rating, already two notches below investment grade.

Big bloody deal, say a large majority of Filipinos. A mid-September survey by the Manila-based Pulse Asia polling organization found that 78% of respondents "see no need to impose new taxes as long as the government strengthens its tax-collection efforts".

It's time to bell the cat. Who's to blame for running up the country's massive public debt to more than 70% of GDP, in spite of which abject poverty continues to increase; in spite of which some 27 million Filipinos (one-third of the population) have to subsist on less than a dollar a day; in spite of which Filipinos in ever-larger numbers are forced to leave the country to make a living and support the relatives they leave behind?

In an upcoming five-part series, Asia Times Online's Pepe Escobar explores both the makings and the makers behind the social catastrophe a once rich and promising nation (called "the next Japan" 40 years ago) has become. We won't preempt his findings but will note some equally astonishing and disturbing, but incontrovertible, facts.

• Unsustainable demographics. The total population of the Philippines will reach nearly 84 million by the end of 2004. After slowing somewhat in the 1980s and '90s, the population growth rate has once again accelerated to 2.36% per annum, or a doubling rate of just 30 years. The total population could exceed 200 million well before 2050. However, the Catholic Church, to which the great majority of Filipinos belong, continues to prohibit contraception.

• Declining per capita income. High population and mediocre GDP growth make for a noxious mix. In real (inflation-adjusted) peso terms, GDP per capita has remained virtually unchanged since 1980 (P12,619 vs P13,139 in 2003). In US dollar terms, it peaked at $1,180 in 1996, and in 2003 had declined to $953.

• Growing poverty. Incidence of poverty - the inability to provide for basic food (adequate caloric intake) and shelter - increased from 36.8% of the population in 1997 to more than 40% in 2002. Thirty-eight percent of families do not have solid-structure shelter. Access to safe drinking water declined from 81.4% of families in 1999 to 80% in 2002. Twenty-one percent of all families and 44% of families in the lower 40% income group have no electricity.

• Super-rich in undiminished control. The Philippines boasts an unenviable Asian, perhaps global, record among major nations. One family, the Ayalas, controls 18% of total stock-market-listed corporate assets. Moreover, the country's top 10 most powerful families control 56.2% of such assets. Just over 50% of total GDP is controlled by the top 15 families. In sharp contrast, only 2.8% of listed corporate assets are owned by the 15 top families in Japan.

These facts in combination define socially, economically and politically unsustainable circumstances and go a long way in explaining the persistent political turbulence of the past two decades. Time and again since the first so-called People Power revolt of 1986 that swept away the Ferdinand Marcos regime, the hopes and aspirations of the large majority of impoverished Filipinos have been thwarted.

Neither Cory Aquino nor Fidel Ramos, who lifted Aquino into the presidency before becoming president himself, carried out the land-reform measures they had promised. What land reform was enacted was largely a sham. Aquino, who talked about it incessantly, still owns the huge hacienda that should have been one of the first reform targets. Most senators and congressmen are rich landowners and members of or hangers-on of the elite families that control the bulk of the nation's wealth. No one else can afford to run for office.

When the poor thought they had elected a president who would champion their cause, he was promptly overthrown by another People Power revolt organized by the elite families and the Church on charges of corruption, real or contrived. The person who was installed as president, Arroyo, now has won an election in her own right. A captive of the de facto feudal powers that be, she'll prove every bit as unwilling and unable to bring basic social and economic change as Aquino.

The Filipinos are a capable, well-educated, joyful people. Most who have settled abroad, escaped the misery of semi-feudal rule, and been given the opportunity to prosper have done so. But, of course, they can't all emigrate or become overseas workers. Ultimately, they will need to find the political means to rid themselves of the oppressive medieval structures that make their lives on Earth the equivalent of purgatory.

Philippine President Gloria Macapagal-Arroyo urged her fellow citizens to "suffer the pain now and experience the gains two years hence [rather] than postpone the pain and die a painful economic death two years from now"

Article Source: Asia Times

Photo Source: Project Dennio - Multiply Version



0 Dear Lord..

Narito ang isang lumang artikulo na nakita ko sa aking documents. Ito siguro iyong ginawa kong article noong mga panahong inis ako, o 'frustrated' sa mga taong.. *uhurm* nangongopya.. Hindi ito lumabas sa school paper natin at siguro dito ko na lang ito ilalabas kasi sayang.. hehe.. basahin na lang ninyo..

---

Matapos ang isang linggo na aking pag-iisip mula noong mangyari ang “violent” na reaksyon ng mga minamahal kong kamag-aral, nandito na ang isang artikulo na hindi kasing tindi noong isa dahil ito ay masasabi nating mas matindi ngunit kakaiba ang pagiging matindi.

Para ito sa lahat, sa mga minamahal kong kamag-aral, sa lahat ng mga nag-aaral, sa lahat ng mga guro, para sa aking minamahal na bayang Pilipinas at higit sa lahat kay Lord na pinagmulan ng lahat ng aking lakas ng loob, lahat ng inspirasyon at ang nagbigay ng aking talento upang isulat ang artikulong ito.

November 28, 2005

Dear Lord,

Una po sa lahat, kumusta na kayo diyan? Marami pa po bang mga nakakaabot diyan sa langit o marami na ang nahuhulog sa impyerno? Sana naman po hindi. Sana lahat po ng namamatay ay nakakaabot diyan. Sana naman po tama pa rin at maganda sa inyong paningin ang lahat ng aming mga pinaggagawa dito.

Pero Lord, magpapasalamat lang po ako dahil patuloy niyo akong binibiyayaan araw-araw. Ito na lamang pong nabubuhay ako ay isa nang malaking biyaya, lalo na po itong nakakasulat pa ng mga ganitong klase ng article na alam ko po na hindi magugustuhan ng nakararami at makakasakit ng mga damdamin.

Lord bakit po ba sila ganoon? Hindi ba sila nakokonsenya sa ginagawa nila. Nasisikmura ba nila ang mga kanilang ginagawa? Hindi ba nila naisip na nasisira ang kanilang buhay? Sinisira nila ang magandang bukas na kanilang haharapin. Marami silang magagandang pangarap. Gusto nilang maging engineer, doktor o kaya maging pinakamayaman sa buong mundo? Pero hindi ba nila naisip na sa ginagawa nilang ito, unti-unti silang nalalayo sa daan patungo sa kanilang mga magagandang pangarap?

Nasayang lang ang kanilang mga pinaghirapan.

Marahil sasabihin nila, “parang ikaw hindi mo ba ginagawa iyon” o kaya ay “hindi ka ba nagkakasala” o kung hindi ay “hindi ka ba nakakagawa ng pagkakamali.” Alam po ninyo iyon Panginoon. Marami akong pagkakasala, hindi ako perpekto. Pero Lord, gusto ko lang po na sabihin sa kanila na palaging may puwang sa pagbabago at saka hindi po ako mag-iingay ng ganito kung kahit na sinabi mo na sa kanila na mali, na alam naman nilang mali, pero paulit-ulit pa rin nilang ginagawa, tama ba naman iyon? Sobrang kapal po ng kanilang mukha. Mas makapal pa po yata sa buwaya. Iyon po bang harap-harapan at talaga naman pong garapalan. Mas matindi pa po yata sa mga politiko dito sa Pilipinas.

Kung iyong mga politiko nga po patago kung gumawa ng katiwalian, pero heto po sila, mga estudyante pa lamang mas matindi pa sa nagnanakaw ng pera. Hindi bale kong manakawan ka ng pera dahil kikitain mo pa iyon, pero iyong ninakawan mo ang iba pagkakataon na malasap ang tagumpay at makita ang bunga ng kanilang dahil sa kanilang mga paghihirap, mahirap na iyon bawiin at hindi mo puwedeng kitain pa.

Haaaaaaaaaayyyy… nakakadismaya po talaga Lord. Mabuti na lang po at may ilan na medyo nagbago na. Kaya talagang iilan lang sila at kakasya ang isang kamay mo para bilangin sila. Siguro sila talaga ang mga taong talagang nakonsensya at naisip na unfair ang kanilang mga ginagawa para sa iba. Sila habang napakadali ng kanilang buhay, iyong iba nagpapakapuyat at naghihirap para lamang makuha ang gusto nila.

Siguro naisip nila na wala naman itong magagawang mabuti para sa kanila. Siguro naisip nila na hindi masarap ang pakiramdam na nakuha mo nga ang gusto mo pero nag-shortcut ka. Sana Lord, maisip ito noong iba. Sana lang po.

Panginoon, sabi ni Jose Rizal, kami ang pag-asa ng bayan. Pero paano po iyong iba? Pag-asa po ba sila o salot? May maitutulong po kaya sila para sa Pilipinas? Lord, hindi ko naman po sinasabi na ako ay isang napakagaling na tao at marami akong magagawa para sa Pilipinas. Tulad rin po nila ako na nagkakamali, nakakagawa ng kasalanan at hindi po ako perpekto. Kung may mali ako i-tama po nila ako, pero dahil may mali sila kaya itina-tama ko sila. Ang sa akin lang po ang tama ay tama at ang mali ay mali. Sobra na ang kanilang ginagawa. Hindi na ito tama. Ayaw kong magkasala dahil sa nagbubulag-bulagan ako sa mali ng aking kapwa. Basta po Lord, sinabi ko na sa kanila ang kanilang mali. Sana po ay matauhan sila. Kung hindi pa rin po at talagang manhid na po sila, Panginoon, kayo na ang bahala sa kanila.

Salamat at natapos din po.

Nagmamahal,

Dennio

P.S. Sana po matupad na ang hinihingi ko sa inyo na… basta po iyon na ‘yon.

Sana, ito ang maging daan para magbago at mamulat kahit ang ilan. Sana lang. Pero kung walang nangyari, basta ako pa lang ang naglakas ng loob na gumawa nito. Bitin pa ito at marami pa. Pero siguro unti-unti tayong magsimula at magbago para sa mabuti. Kahit paunti-unti sana marami ang mabago.

Muli inuulit ko, hindi ako perpekto, tao lang ako na nagkakasala’t nagkakamali pero kapag may hindi nagustuhan, nagsusulat isang article na siguradong dadaan sa butas ng karayom, tatanggap ng sandamukal na batikos at magagalit sa toot na nagsulat ng article na ito. Pasensya na ganito ako eh, respetuhin niyo na lang ang mga sinabi ko at rerespetuhin ko ang gusto niyong sabihin.

Lord bakit po ba sila ganoon? Hindi ba sila nakokonsenya sa ginagawa nila. Nasisikmura ba nila ang mga kanilang ginagawa? Hindi ba nila naisip na nasisira ang kanilang buhay? Sinisira nila ang magandang bukas na kanilang haharapin. Marami silang magagandang pangarap. Gusto nilang maging engineer, doktor o kaya maging pinakamayaman sa buong mundo? Pero hindi ba nila naisip na sa ginagawa nilang ito, unti-unti silang nalalayo sa daan patungo sa kanilang mga magagandang pangarap?

Image copyright by Jose Dennio P. Lim Jr.



0 Real Love

Love is probably the most abused word in the English or any language in the world. Everyday you would hear anyone saying, “I love you” to a special someone. You would send and receive text messages containing love quotes and sweet, mushy messages to and from others. There are a lot of movies, telenovelas and books talking about love.

Love also blinds a lot of people. Even though what they are doing is bad, they think that it is good. Many people say they love that person. But if you would look into it, it seems that they love only the good things about that person and fails to love the other side. Then these people would get married and in the latter part of their marriage, they would realize that they were wrong and would end up breaking apart.

Different countries are at war of each other because of their love for their country. They have so much pride that they try to overcome each other and want to dominate one over the other. It is very saddening that these things happen.

There is one story that I’ve read from a book of my sister when she was in Grade 6. This was an excerpt from the story “St. George and the Dragon, and the Quest for the Holy Grail by Edward Hayes. I hope that through this story we may be able to see what true love is. The excerpt of the story goes like this:

One day, the Devil came to heaven to visit God. He was so upset because the ageless contest between Good and Evil is becoming unfair: Evil did not have the same opportunities as Good. Then the Devil told God, “ I’ve had a real vocation problem down there ever since Bethlehem when you became incarnate in the world. Since you sent Jesus to live on earth, I’ve only been able to squeeze in an occasional temptation! By the way, God, that was sneaky of you to choose a stable for his birth. I had my agents posted outside every palace, once we became aware that you were planning an invasion, but you tricked us! Who would have guessed that a God-King would be born in a stable?”

God replied to the Devil, “All’s fair in love and war, my old friend and competitor. But I hate to think myself as a cheat. Okay, I’ll agree to your becoming incarnate in the world also. You’re right. Ever since Bethlehem, I’ve had a slight edge in our contest.”

“Great!” said the Devil. “I knew you were a good sport. Now do I also have the same freedom that you had, to come any time, anywhere and in any form I choose?”

“Only sounds fair,” said God, “Anytime, anywhere, and in any form you choose,” and they shook hands on the deal.

And so the Devil, after a quick look around his old home, left heaven and raced like hell for hell, to meet his Ace Demons. As he entered the doors, they were eager to know what happened in heaven.

Then the Devil said, “Well, it was easy. The enemy agreed that I was right. I’ve been given complete freedom to become incarnate on earth in any way I choose.” Then he continued, “But now we must put our horned heads together boys and figure out the best way for Evil to come to earth! As my advisors, what suggestions do you have?”

An Ace Demon said to come to earth as lust, but the Devil downed the idea saying only a few would be fooled by it. They have to find a better disguise. Some suggested to dress like the god Mars, posing as war, others as money and still others said that liquor would be the best disguise.

The Devil didn’t like those ideas and think a better one. Then suddenly he yelled, “I got it! It just came to me. I shall come to earth disguised as the Enemy! Yes, I shall become incarnate in the world as LOVE!”

We have to admit that it was truly ingenious scheme for the Devil to come to earth as Love. For that was, how God’s Son had come and was present in the world at that very moment, even as the best make-up artist in hell was busy transforming the Devil into Love. Actually, the Diabolic Disguise Department provided him with a whole trunk of disguises.

And so, the Devil came to earth on Valentine’s Day, the Feast of Love. He first put on his red, white, and blue suit of LOVE OF COUNTRY. Disguised as this, he was busily engaged in war, destruction, lying and spying, brutality, murder, rape and a wide variety of other vicious deeds. LOVE OF COUNTRY made it possible to justify the refusal to forgive. It fed centuries-long resentment and the desire for revenge. It also made possible the blindness to truth that allows evil to flourish in the hearts of people.

Next, the Devil took out the disguise of LOVE OF ONE’S OWN RELIGION. This costume was beautiful in its stained glass colors heavy with tradition and respectability. Wearing this disguise, it was possible to make people be silent in the face of obvious error and injury. It bred pride and the spirit of superiority – each institution thinking that it was the “one and only.” This love also gave permission to hate those of other religions, even to slaughter them in so-called “holy wars” or to ridicule and spread lies about them. The power of this disguise was that it made Love a thing that demanded obedience and unquestioning assent to its teachings, instead of the desire to question or to explore. It was especially effective in the synagogues and streets where Jesus was teaching, as the Devil moved through the crowds whispering, “Heresy – he must be silenced!”

The Devil also wandered over the earth in the form of LOVE OF ONE’S NAME. Wearing this form of love, he was able to engage people in murderous duels and fistfights, and other unseemly affairs of “honor” that involved anger, hate, frustration, and domination.

Another of his incarnations was PARENTAL LOVE. This was a clever mask that made possible the reappearance of one of history’s oldest evils, slavery! As PARENTAL LOVE, the Devil employed sweet, juicy guilt as a tool to let parents control their children long even after they were able to make decisions for their children, making them servants and clones.

Before the Devil had taken his disguises of love and left hell, one of the Ace Demons questioned him: “Lord Devil, why are you coming to earth as Love? I suspect that you have another reason, other than to come disguised as the Enemy.”

Then the Devil said, “Ah, you’re a clever little demon. Yes, you’re right. I have a very good reason: LOVE MAKES PEOPLE BLIND! If Evil comes as Love I can blind them to the reality of what is happening. They will become a ‘people living in the darkness.’ I have chosen Valentine’s Day because it is their Feast of Love. While I can sell evil under the form of LOVE OF COUNTRY OR RELIGION, under the disguise of LOVE OF ONE’S NAME, or even PARENTAL LOVE, the more clever ones will see through my disguises. But who will ever suspect me as LOVE FOR ONE ANOTHER?”

And so, as LOVE FOR ONE ANOTHER, Evil introduced domination, control, and the exploitation of others. While ordinarily kind people would never think of stealing money, Love allowed them to steal affection, time, pleasure, body and soul – and never really to share themselves. Under the disguise of LOVE OF ONE ANOTHER, one person could own others, keeping them from loving anyone else by giving or refusing affection. Pain could be inflicted by words and suspicions, by refusal to forgive or by the ugly use of silence. People who never lied could be easily led to use lies like, “I love you…I will always love you…” without ever backing up such words with commitment. And the people who were being injured by this disguised love? They themselves participated: They were silent when they should have spoken. They allowed exploitation and did nothing. They reacted out of guilt and did not rebel…all because of “Love”! Oh yes, under these forms of Love, Evil was able to dwell in every home and heart. The Devil was so right: earth-people did become “a people living in darkness.”

At halftime, the contest between Good and Evil seemed to be over! The Devil was winning with such overwhelming odds that his victory seemed certain. So the Devil sent God a message, asking if God wanted to “toss in the towel” and concede defeat. Now it was God and his angels who sat in silence, pondering the questions, “How do we lift the darkness? How do we dispel the blinding gloom, so that people can see the difference between God as Love and the Devil as Love?”

Finally, after much reflection, God spoke slowly, “I know a way to make my children see the difference. But oh, how I hate to use it. It pains my heart to even consider such a solution, but I know no other way. The Light must break loose, or else the world will be truly lost to Evil. I shall ask my son, Jesus to show them the difference.

And so, on a certain Friday in spring, Jesus died on a cross on a barren hilltop in Palestine. At that moment, a light flooded the world; so intense that no one could mistake the difference between real love and Evil disguised as Love. The cross revealed the enormous difference between the two:

REAL LOVE GIVES UNCONDITIONALLY; while counterfeit takes.

AUTHENTIC LOVE GIVES FREEDOM; imitation love enslaves and attempts to own the other.

GENUINE LOVE IS EXPANSIVE, EVER OUT-REACHING; love, as a forgery, is a closed circle, restricted, exclusive, and allowing no room for others.

GODLY LOVE IS HUMBLE, GENEROUS, AND HONEST; Evil love is proud, self-seeking and dishonest.

All this, the death of Christ made clear in a blazing revelation. It was not on Christmas that the Light entered the world. No, it was on Good Friday, the Feast of the Revelation of True Love. On that Black Friday, a people who lived in blindness, in darkness, saw a great light – and it revealed true love forever!

So for those people out there who are uncertain of their love whether it is real or a counterfeit, you can illuminate the darkness of doubt by holding up your love to the eternal sign of the cross. The cross that has became the symbol of true and REAL LOVE.

Image Source: Visions Ministry



 

Project Dennio Some Rights Reserved © 2012 - |- Template created by O Pregador - |- Powered by Blogger Templates - |- Content and Visual Modifications by Jose Dennio Lim