Lahat tayo namulat na sa Hunyo 12 bilang Araw ng Kalayaan ng Pilipinas. Subalit medyo bigla akong napa-hmmm.. sa isang pamphlet na napulot ka sa upuan sa Claro M. Recto Hall kanina lang. Oo.. napulot. Kasi naiwan ata nung nakaupo dun. Siyempre dahil sa nakuha ng titulo nito ang aking atensyon dahil sa pamagat nitong: KILALANIN AT GAWING PISTA OPISYAL ANG SETYEMBRE 16. Hmm.. Another holiday for us.. puwede.. Pero, higit pa sa holiday na madadagdag sa atin, may isang magandang punto ang mga nagsusulong nito.
Sa araw na ito, tunay na nakamit ng Pilipinas ang kalayaan ng ating bansa.
Bakit?
Dahil 15 taon na ang nakaraan, noong ika-16 Setyembre 1991, pormal na napaalis sa ating mga bansa ang mga base militar ng mga Amerikano.
Hmm.. Ilan kaya ang nakakaalam sa atin nito. Kahit ako, ngayon ko lang nalaman ang petsa noong bumoto ang 12 Senador upang ibasura ang Military Bases Agreement .
Interesting.. huh..
Eto na ang continuation.
Ang word-per-word na paliwanag ng grupong ito.
Bakit mahalaga ang pagkilala sa Setyembre 16
1. May kasabihan ngang "Ang hindi marunong lumingon sa pinanggalingan ay hindi makakarating sa paroroonan." Kilalanin natin at unawain ang nagdaang kasaysayan upang matiyak nating tama ang ating tinatahak sa kasulukuyan.
Itutuloy..
Author's Note: Hindi ko na ito naipagpatuloy dahil nawala na ang kopya ng nasabing polyeto.
Image Added: 05/15/2010
Image Taken From: Pinay Lighter Side
No comments:
Post a Comment
Leave your comments, reactions and suggestions below.