Well, this was my question starting Tuesday, July 20, 2006. Well let me tell you the story in Filipino.. Only the introduction would be in English.. hehe..
Nagsimula itong mga kakaibang pangyayari noong nakaraang Biyernes, July 14, 2006. Nag-aabang ako ng toki sa may Shopping Center, and then doon sa sasakyan kong dyip, nakaupo sa harapan iyung kaklase ko na Fil-Chinese sa harap, so nakita niya ako at nakita ko siya.
Pero bago ang lahat sasabihin ko muna kung bakit ito kakaiba.
Itong kaklase ko na ito ay hindi ko pa siya nakakausap kahit kailan. Tapos, palagi kami parang nagpapakiramdaman. noong 1st three days ata ng klase ay magkatabi kami, tapos nung sumunod, hindi na. So talagang hindi ko na siya nakakausap. And then, nagkaroon kami ng first activity sa Comm3. Extemporaneous speech about yourself. At iyun, dun ko nalaman na talagang medyo isnob siya. Hindi siya basta-basta nagiging kaibigan at hindi siya kadalasan ang lumalapit para makipag-kaibigan.
Ngayon balik tayo sa mga nangyari.
Nagkita kami. Pero siyempre alang batian na nangyari kagaya ng pangkaraniwan na naming batian nung iba kong kaklase na:
Situation: Nakita ko ang isang kaklase na hindi ko pa nakakausap kahit kailan
Ako: Hi, 'di ba classmate kita sa chuva subject?
Kaklase: Oo, di ba ikaw si Mr. Lim? (walang dagdag iyan)
Ako: Oo, ako nga iyun. Huwag na Mr. Lim, Dennio na lang.
Kaklase: Ano?
Ako: Deeeennniooo.
Kaklase: Ah, Dennio. Ako naman si chuva ekek.
Ako: (Makikipag-shake hands lalo na kung babae.. *uhurm*) Ah.. nice to meet you chuva ekek..
Kaklase: Nice to meet you too..
..at pagkatapos nun ay kung anu-anong kwento ng buhay na hanggang sa magbabye na dahil may next class pa siya o ako.
Ganun ang dialouge.
Pero itong isa kong kaklase. Hindi ko nagawa iyun.
Anyway, sumakay na ako ng toki at nakapunta sa Math Building dahil may ipapasa ako sa Prof namin.
At naulit pa ang mga ganung sitwasyon. Nagkasalubong kami noong Monday sa Math Building at siyempre alang batian ulit. Noong Tuesday naman, nagkita ulit kami. Siya naman ang nag-aabang ng dyip at ako ang nakasakay. Pero 'di siya sumakay kasi tatawid pala siya. Kaya simula noon bigla kong natanong.. What the heck is this? Is it coincidence or what?
At nung wednesday, nagkita na naman kami at iyung araw na iyun ay 3 beses kami nagkita at nagkasalubong. At lalo pa ako napatanong, is it really a coincidence or what?
at kanina..
Pagkatapos ng Math11 class ko ay naramdaman ko na parang may sinat ako. Kaya naisipan kong umuwi muna sa boarding house para makakain at makainom ng gamot. Ayun, nakapila ako sa sakayan ng toki na unknowingly.. nasa unahan pala ng pila iyung kaklase ko.. Tapos ayun, sa harap siya sumakay at ako ang huling pasaherong sumakay pero sa may likod pa niya ako naupo. Ayun, nagkita na naman kami pero sabi nga sa amin sa Comm3.. no communication has been established..
At oo nga pala. Lalake iyun ha. (Madami ang mashoshock. *gulp*)
Naisip ko tuloy. Eto serious masyado..
Bakit ba namin kailangang magkita araw-araw? Ginawa ba iyon ng Panginoon para magsawa kami sa aming mga pagmumukha? O Ipinadala ba ako ng Panginoon upang kaibiganin siya kahit na parang mahirap kaibiganin? Bakit naman siya pa ang madalas kong makita at hindi iyung.. iyung.. (basta.)
Hanggang sa mga oras na ito. Iniisip ko pa rin na baka magkita ulit kami bukas.
Image taken from here: LP Archive
No comments:
Post a Comment
Leave your comments, reactions and suggestions below.