SOPAs: State of the Philippine Address 2001-2006

Magandang araw aking mga kababayan, lalo na kay Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo at ang kanyang mga kakampi sa Kongreso, sa opposisyon: sa mga tagasuporta ni dating Pangulong Estrada, sa mga party-list groups, sa mga madalas mag-rally, sa mga kongresistang nagsusulong ng impeachment at sa mga ilang obispo at sa mga hindi ko nabanggit.

Pansinin ninyo ang aking pagbati sa inyo. Doon sa administrasyon ay collective na. Pero sa opposisyon, kinailangan ko pang isa-isahin. Bakit? Sapagkat ang administrasyon ay mas buo at nagkakaisa sa ilalim ng pera (ay mali).. ni Pang. Arroyo. Pero ang opposisyon kanya-kanya. Nagkaroon dati ng tinatawag na United Opposition na pinamunuan ni Makati Mayor Jejomar Binay paro walang nangyari dun dahil sa hindi pagkakasundo.

Bakit kamo?

Sapagkat hindi man nila aminin, lahat ng nasa opposisyon kesyo sinasabi nila na sila ang tagapagtanggol ng bayan at kesyo sila ang tunay na boses ng masa ambisyon ng mga iyan na makaupo sa Malakanyang. May kani-kanyang mga gusto. Masyadong mataas ang pride. Kaya sa mga taga-opposisyon talagang "everyday ay pride-day."

Kaya kung titingnan niyo sari-sariling opinyon sila. Kanya-kanyang banat. Paano nila malalabanan ang lakas ng (pera at kapangyarihan) ng mga nasa administrasyon. (hehe.. Pang. Arroyo.. Inciting to sedition na ba ito?)

Ngayon balik tayo sa kalagayan ng Pilipinas.

Mahigit 85 milyon na tayong mga Pilipino at inaasahang magiging 100 milyon tayo pagdating ng 2025. At sa 85 milyong Pilipino, halos kalahati ay mga bata. Ibig sabihin anumang ginagawa ng mga nakakatanda sa amin lalo na ang nasa gobyerno ay malaki ang epepkto sa amin. At dapat na kaming "batang populasyon" ang binibigyang pagpapahalaga.

Sa edukasyon na lamang, halos 50,000 mga silid-aralan ang kulang sa buong bansa. Iyan ang kulang kung wala ang tinatawag ni Pang. Arroyo na "double-shifting" ng mga klase. Iyan ang mga kinakailangang silid-aralan para maging maganda ang kalidad ng edukasyon. Idagdag mo pa dyan ang halos 20,000 kakulangan sa mga guro.

At dahil lumalaki pa ang populasyon, taon-taon ay kailangang magdagdag pa ng mga classroom at guro.

Isa pa itong problema sa populasyon. Dahil sa si Pang. Arroyo ay isang "devout Catholic", asahan na ng ating bansa na wala tayong isang komprehensibong "population program at policies." Kaya sigurado na ang patuloy na pagtaas ng ating populasyon taon-taon.

Pero..

May isang balita dati na noong taong 2005, bumaba ang ating population growth rate mula 2.36% sa 1.98%. Maganda iyon hindi ba? Pero ang malungkot, kaya medyo malaki ang binaba ng paglaki ng ating populasyon ay sapagkat mas madaming Pilipino ang umaalis ng bansa kaysa sa ipinapanganak araw-araw. Nadinig niyo ba ang balitang ito dati. Siguro halos lahat ay hindi alam ito.

Bakit?

Sapagkat malaking sampal ito sa gobyerno at hindi nila ito kayang ipagmalaki. Kasi, wala namang ginawa talaga ang gobyerno. Oo, talagang walang ginagawa. Kaya naman sa dahil wala silang ginagawa, mas ninais ng maraming Pilipino ang umalis sa Pilipinas. Ganyan na tayo kahirap. Sa hirap ng buhay, darating ang panahon na mangangalahati na ang tao sa Pilipinas.

Sa aking pagkakaalam, 12 bilyong piso lamang ang budget para sa kalusugan noong nakaraang taon, samantala naman sa militar o defense ay mga 60 bilyong piso ang budget. Kahit na hindi pa sakto o tugma sa mga opisyal na pigura ang mga nasabing numero, makikita natin na mas prayoridad pa ng pamahalaan ang mga kasundaluhan kaysa sa kalusugan.

Bakit?

Mas takot ang gobyerno natin sa mga mag-aalsang sundalo dahil sa maliit ang kanilang budget kaysa sa mga magpoprotestang maysakit. Kasi naman ang mga sundalo, pagpalagay na nating malulusog at walang sakit at hahawak pa sila ng armas. Iyung mga nasa PGH o anumang pampublikong ospital, hindi naman nila kayang magalsa kasi maysakit sila.

Ganyan kung magmahal ang ating gobyerno sa mga maysakit. Binibigyan sila ng pambili ng kendi o baka nga hindi pa nga sila makabili dahil sa wala pa sa piso kada Pilipino ang budget natin para sa kalusugan.

May puwede pa naman tayong purihin kay Pangulong Arroyo. Tumaas ang GDP. Lumakas ang palitan sa piso sa dolyar. Tumaas ang ating exports. Bumaba ang ating budget deficit.Ang sarap sanang pakinggan nito kung nararamdaman nga natiin ito.

Nakagawa nga ng madaming rabaho noong 2005. Oo, natupad ni Pang. Arroyo ang 1 million jobs per year. Kaya lang puro naman contractual ito bna karamihang hanggang 6 months lang. So, after six months, wala ulit trabaho iyung 1 milyon.

Balik nga tayo kay Pangulong Arroyo..

Kilala kaya niya talaga si Virgillio "Garci" Garcillano? Kilala din kaya niya si JOcelyn "Joc-Joc" Bolante? Nasaan na kaya si Garci ngayon? Bakit naman kailangang mag-ambag-ambag ang mga Pilipino para sa pampiyansa ni Joc-Joc e kung halos 1 bilyong piso ang nawaldas na dapat sana'y pambili ng fertilizer?

Kaawa-awa naman ang mga magsasaka na sana nagamit nila ang fertilizer upang mas palaguin at padamihin ang kanilang mga ani. Kawawa naman ang mga taong nagpagod sa kahahanap ng kanilang pangalan sa mga presinto tapos dadayain lang pala ang boto nila.

Itutuloy..

Image Added: May 15, 2010

Image Taken From: Filipinayzd

signature

No comments:

Post a Comment

Leave your comments, reactions and suggestions below.