Ang Kwento ng MP3 Player

Allow me to write in Filipino this time so I can freely express my thoughts. This is still part of the series of posts intended for my birthday celebration. You can find the previous posts here: 1,2,3. Today's the 8th day before my birthday (March 2).

Kaiba sa lahat, ngayon pa lang ako nagkaroon ng MP3 player habang ang halos lahat ay may iPod shuffle na o iPod mismo. Salamat na lamang sa aking 'napakabait' na kapatid dahil regalo daw niya ito para sa aking birthday. Sweet nuh? :)

Wala namang kaso sa akin kahit na parang siya pa ang nagpamana sa akin ng isa niyang gamit. Pero akalain mo 'yun noh? Ang bunso na pala ngayon ang nagpapamana ng gamit sa panganay, hahaha.. :D Pero siyempre, tuwa naman si Kuya kasi galing iyon kay bunso (na makulit at mataray, hahaha.. :D).

Iba na talaga takbo ng mundo ngaun anu?

---

Hindi naman talaga ako mahilig sa music. Pero paborito ko ang mga medyo banal na awitin o gospel at praise songs. Iyung mga tipo ng kanta na maririnig mo sa simbahan o kaya pag may prayer meeting.

Nag-ugat ang pagkahilig ko dito sa aking pag-aaral noon sa isang Catholic all-boys high school. Puro mga Pinoy na kanta lang noong una gaya ng mga awit ng Himig Heswita hanggang sa maipakilala sa akin ng YFC at SFC ang Hillsong United.

Iba ang naging dating at tama ng mga awit nila kapag naririnig ko. Para bang ako'y dinadala sa alapaap at naglalakbay papunta sa kaluwalhatian.

Ang mga kanta nila ang laman ng aking MP3 player maliban sa ilang kanta gayan ng Tatsulok ni Bamboo at ilan mula sa FM Static. Huwag mo na itanong kung bakit sila kasama. :)

At sa nakalipas na limang araw na napasakin ang mahiwagang MP3 player na ito, halos buong araw na ito nakasaksak sa tenga ko. Hindi naman pala. Tuwing nasa biyahe lang ako papunta at pauwi ng school o di kaya 'pag ako'y nasa trono na (you know what I mean. ;D). Naging eksakto ang pagbibigay ng kapatid ko nito sa akin.

Hindi ko kasi maintindihan ang nararamdaman ko.

---

Nagtanong nga ang isa kong kaibigan sa FB kung bakit "mixed emotions" ang status ko. Sabi ko, tila napuno ako ng halu-halong emosyon noong araw na iyon. Nakakaramdam ako ng lungkot, saya, galit at tuwa ng sabay-sabay. Hindi ko na nga halos mapagkaiba ang pakiramdam ng masaya sa malungkot.

Masyadong madaming gumugulo sa isip ko. Isa na doon ang problema ko sa aking negosyo na sinabayan pa ng lintek na pag-ibig.

Kaya't ang pagsasaksak ng earphone ng MP3 player ko ang nagsasalba sa aking katinuan bago pa ako bumigay na naman at sumuko.

---

Nabanggit na lamang ang lintek na pag-ibig, nais ko lang ibulalas ang mga bagay na ito:

"Minsan lang darating sa ating buhay ang isang tao na magmamahal sa atin ng tapat at totoo. Isang tao na handang mahalin ang lahat ng kapintasan sa iyong pagkatao. Isang nagmamahal na walang hinihiling na kapalit. Isang pagmamahal na maihahalintulad sa pagmamahal ng Diyos sa atin.

Ngunit madalas, kung hindi tayo handa na tanggapin ito, itinataboy natin sila.. Nahihirapan tayong maniwala na may tao pala na tulad niya ang handang ibigay ang lahat para sa atin. Hindi lamang dahil sinabi niya kundi dahil ginagawa niya. Madalas pa, sa iba tayo tumitingin dahil ayaw natin silang hayaan na pumasok sa ating buhay.

Hanggang isang araw, mamumulat ka na lamang na wala na siya hindi dahil sa isinuko na niya ang pagmamahal niya sa iyo kundi dahil ayaw niyang ipagpilitan pa ang kanyang sarili. Pero kahit na umalis na siya, ikaw pa rin ang kanyang mahal at huling tao na mamahalin niya habambuhay. Katangahan man ito, ganyan ang tao na tunay na nagmamahal. May dumating man na iba, hindi nila kayang lokohin ang kanilang sarili dahil ikaw pa rin ang kanyang mahal.

Saka mo lamang malalaman kung gaano siya kahalaga sa buhay mo at kung ano ang nawala sa iyo. Laging nasa huli ang pagsisisi."

---

Bakit ko iyan nasabi? Iyan ang bagay na gumugulo ngayon sa aking buhay.

Salamat.

signature

5 comments:

  1. marami na ngang may mp 3 sa ngayon..bawat isa ay naghahangad ng mamahalin na karapat dapat..

    ReplyDelete
  2. Generally I seldom post on blogs, but I would like to say ok itong post mo and it really forced me to do so! ;)

    ReplyDelete
  3. That's life my friend. But hey, it's not the end of the world. There's more to life than just this low point in your life.

    ReplyDelete
  4. nakaktuwa nmn to.. cguro dahil kilala ko un nagbigay nun mp3 sau kya ako natuwa?? :) keep it up kuya dennio!! mas gusto ko tagalog post mo :)

    ReplyDelete
  5. @nette: haha.. :D kilala mo nga kung sino nagbigay nito sa akin. :D

    ReplyDelete

Leave your comments, reactions and suggestions below.