Thursday, July 13, 2006

1 Unang Post

Hmmm.. eto pala iyong blog.. humanda na kayo dahil nandito na ang taong walang magawa sa buhay at kung anu-anong bagay ang pinagsasabi.. At oo nga pala, karamihan ng mga blogs na nababasa at nakikita ay nasa wikang Ingles. Kaya naman para maiba at sa kadahilanang ang gusto ko ay puro Pilipino ang magbabasa nito.. Ang halos lahat ng mga artikulong mababasa niyo dito ay nasa wikang Filipino, maliban siguro sa ilang pagkakataon na gusto ko ding mabasa ito ng mga banyaga. Pero mga 80% ay nasa wikang Filipino.

Medyo baguhan pa ako sa ganitong klaseng teknolohiya at nasa 'stage' pa lang ako ng pag-aaral at pagtuklas sa mga maari pang magawa nito sa buhay ko.. (ang lalim ata nun..)

Bayaan niyo muna akong maging tanga at inosente para sabihin ko sa inyo ang aking nararamdaman ngayong may blog na ako.. (yabang ata nun?)

1. Nasasabik ako na gamitin itong teknolohiyang ito para ilabasa ng lahat ng aking gustong sabihin.

2. Mukhang hindi ako makakaligtas ngayon sa mapanuring mga mata at isipan ng mga magbabasa dito dahil puwede silang magkomento.

3. Dito ngayon masusubukana ng aking.. galing? sa paggawa ng mga artikulong MAKABULUHAN?

4. Kaya lang ang kaya lang abutin ng blog ko ay ang mga taong may pang-internet o may internet connection sa bahay, paano naman iyong nagtitindi ng isaw sa kanto? Mababasa kaya niya ito? O kaya iyong mga batang nanghihingi ng "plastic bottles"? Mababasa ba nila ito?

5. At pangwakas, dito bato-bato sa langit ang tamaan huwag magalit. Dahil, dito mailalabas ko na nag sama ng aking loob sa mga tao o sa mga pangyayari..

At isa pa nga palang maganda dito ay malaya ka sa kung anong gusto mong sabihin. Kaya lang, mayroon din dapat nakakabit na responsibilidad sa paggamit ng kalayaang ito.

At isa pa, dinadala ko na dito ang THE DENNIO SERIES 2006.. nandito na siya... muhahahahahaha...

Sa ngayon, hanggang dito na lang at abangan niyo na lang ang iba ko pang ipo-post dito. Salamat.

I am not bound to win, but I am bound to succed. - Abraham Lincoln

1 comment:

  1. pakatotoo ka lang, medyo trying hard kasi bigyan ng humor saka wag magmadali (o lightheaded ka na sa puyat?) dahil medyo sumasablay sa spelling.

    hala. ako pala una mgkokoment taz eto mababasa mo hehe sowee

    ReplyDelete

Leave you comments, reactions and suggestions below.

 

Project Dennio Some Rights Reserved © 2012 - |- Template created by O Pregador - |- Powered by Blogger Templates - |- Content and Visual Modifications by Jose Dennio Lim