Ika-31 ng Hulyo 2006, malakas ang ulan sa labas. Malamig. At ang pinakamasarap sa lahat, matulog. Matulog ng matagal. Ayoko na ngang bumagon. 6:30 ng umaga nag-alarm ang aking ever worthy and trusted na cellphone. Tiningnan ko lang ang cell ko at may dalawang message agad. Binasa ko, I mean, binuksan ko lang. Tapos, nakatulog ulit ako.
Tapos bigla akong nagising. Alas-siyete na. Medyo tinatamad pa rin ako bumangon at napikit ulit ako ng mga 4 minutes. Tapos nagising ulit ako. At doon nagmadali akong kumilos. Inihanda ang mga gamit in 3 minutes. Naligo ng 10 minutes. Nagbihis ng 2 minutes at naglakad papunta sa sakayan ng 5 minutes. Tapos ng dyip ng 1 minute at bumaba doon sa may the ever reliable na kainan. Tapos nun pumunta ako sa may sakayan sa may waiting shed. At ang tagal kong naghintay ng toki (kasi papunta ako ng Math Building. Lima kaming naghihintay. May dumating na isang toki pero isa lang ang puwede. Naunahan akong sumakayn nung matanda. Then may dumating na kasunod. Dalawa kulang, nauna akong sumakay sa toki at may isang babae na sumunod. Masikip na pero umupo pa rin kaya naman ako, *uhurm* dahil sa may respeto ako sa mga babae, ako na ang medyo umusad para makaupo ng maayos iyong girl. At nag-thank you naman siya.
Pero lahat ng sinabi ko doon ay walang kinalaman sa mamang malaki. Eto pa lang ang istorya ng mamang malaki.
At iyun na nga, nakarating kami ng Math Building, may nakasalubong akong isang classmate na palabas kaya medyo nagtaka ako. And then madami pa akong nakasalubong, mabuti na lang at iyung isang mabait na anghel ang nagsabi sa akin na wala kaming klase. Kaya naman, nasabi ko na lang na sayang dapat nakatulog pa ako ng matagal.
Anyway, e di sakay ulit ako ng toki. Iyun din ang dyip na sinakyan ko papunta. Sa may tabi ng drayber ako umupo. Tapos sumakay din iyong ilang classmate ko. Apat ata sila na mga babae. Tapos umalis na kami dun at nagdaldalan iyung apat. Eto ang dialogue base sa natatandaan ko.
G1: Uy, buti na lang nakasalubong ko kayo. Akala ko late na ako. Buti na lang walang klase.
G2: Oo nga.
G1: Iyung isang kasabay ko kanina sa dyip, iyung 'mamang malaki', umakyat pa ata, kawawa naman.
Sa puntong iyun ng pag-uusap medyo nagulat ako. (At oo nga pala, kaya naman dinig na dinig ko ang pag-uusap nila siyempre nasa likod ko lang sila.) Napaisip ako. Sino kaya iyung mamang malaki? Malamang inisip ko na ako nga iyun, siyempre obvious naman. At totoo nga ang iniisip ko.
G3: Sino? Iyung nag-iisa lang na nagsolve nung problem set na ang taas ng nakuha?
Ay, hindi pala iyun hehe.. Repeat..
G3: Sino? Iyung nag-iisa na nagsolve ng problem set?
G4: Iyung late sa departamental test (hoy, 2 minutes lang naman.. hehe - Ang iniisip ko) na nagiisang pumasok?
G1: Oo iyun nga.
Tapos may nagbayad inabot nila siyempre iyung bayad sa drayber. At iyung nagabot na isa sa mga nag-uusap tungkol sa akin, nakita niya ako. Tapos, bigla na lang nasabi ng pabulong na natatawa:
G*: Oh my god, (*tawa*) ayan pala iyung 'mamang malaki'..
At iyun natahimik na sila, pero nagbubungisngisan pa rin. At ako naman napapangiti na lang.
Kaya mamang malaki ang tawag nila sa akin kasi tahimik ako sa klase at hindi gaanong nakikipag-usap.l Pero kapag may nanghihiram, binibigay ko kaagad, kapag may nagtatanong sinasagot ko. Pero iyung mga tsikahan ng kung ano-ano wala. Isa nga lang ang kilala ko dun na kaklase ko pa sa MBB1 na talaga namang masaya ako kapag MBB1 dahil sa..(hanggang doon na lang, basta masayang-masaya ako.) Pero iyung teacher ko ay kilalang-kilala ako kasi ako ang unang nagconsult sa kanya dati. Pero sa buong klase, ako si 'mamang malaki.'
Kakaiba pala ang pakiramdam kapag nadidinig mo na pinaguusapan ka ng ibang tao. Iyun bang, nakakainis na nakakatawa. Naisip ko lang paano kaya si God? E palagi siyang napag-uusapan tapos nadidinig pa niya. Siguro, natatawa siya sa mga pinagsasabi ng mga tao.
Pero tayong mga Pilipino, likas na siguro sa atin na pag-usapan ang isang tao. Lalo na siguro ang mga artista. Personal na buhay, ugali, mga ginagawa niya at kung ano-ano pa. Buti na lang hindi natin naririnig ang mga napag-uusapan nila tungkol sa atin. Pero exciting din pala iyun na malalaman mo ang tingin sa iyo ng ibang tao kapag hindi mo na sila kaharap; kahit pa hindi maganda ang sinasabi nila.
Kung mapupunta ka sa ganung sitwasyon, makinig ka lang. huwag kang magagalit at kung ano man ang sabihin nila, siyempre, magandang gamitin natin iyun para sa ikabubuti natin.
Ako nga pala si Dennio a.k.a. "Mamang Malaki."
Image Added: 05/15/2010
Image Taken From: Sungka Master